Sarah spoiled kay Matteo
Spoiled si Sarah Geronimo sa asawang si Matteo Guidicelli.
“Alam niyo po, spoiled ako dito kay Matt. Kasi ‘yung babae kasi ang role is siya yung nagluluto all the time, nag-aasikaso sa asawang lalaki pero baligtad sa amin.
“Tingnan natin after 10 years! Ha! Ha! Ha!
“Siya ‘yung maasikaso. Nagluluto ka. Ay efforts naman ako, ‘di ba, Love?” pahayag ni Sarah kay Matteo sa online concert nila para sa isang supermarket na kanilang kapwa ineendorso.
Kita sa mukha ni Sarah ang contentment sa piling ng asawa, huh!
Mga natapos na pelikula, hindi alam kung saan ipalalabas
Natapos na ni direk Erik Matti ang shooting ng movie niyang On The Job. Halos inabot daw ito ng tatlong taon bago matapos ayon sa post sa Facebook page.
Samantala, nairaos na rin ang shooting ng first big screen team up nina Rita Daniela at Ken Chan kahapon sa Pagsanjan, Laguna, and My First, Your Last (Luis Loves Luisa).
Nanatili sa Pagsanjan ang buong cast, staff and crew mula simula hanggang sa pagtatapos nito. Isang big scene ang kukunan ni direk Louie Ignacio dahil mahigit sampung bangka ang kailangan sa eksena.
Of course, tapos man ang principal photography ng dalawang movies, problema pa rin kung kailan ito maipalalabas sa mga sinehan.
Nandiyan ang Netflix upang mabenta ang finished product, pero mas mainam rin na mapanood ito ng mas maraming tao, huh!
- Latest