^

Pang Movies

Mister ng modelong dyowa ni Brad Pitt, alam ang kanilang relasyon

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Mister ng modelong dyowa ni Brad Pitt, alam ang kanilang relasyon
Brad Pitt

Marami ang natuwa na may matatawag ng girlfriend ang Hollywood actor na si Brad Pitt. Pero marami rin ang nagulat na ang German model-girlfriend nito na si Nicole Poturalski ay hindi single mother kundi kasal pa rin sa kanyang 68-year old husband.

Nabunyag na married si Nicole kay Roland Mary, isang kilalang German restaurateur, for eight years at ito ang ama ng seven-year old son niyang si Emil.

Pero hindi raw issue sa mister ni Nicole na dine-date ng kanyang misis ay si Brad Pitt. Meron daw kasi silang open relationship.

“They are still married, but you could describe their relationship as an ‘open marriage. He has been married several times and has five children. He is not interested in negativity or jealousy,” ayon sa source na kilala si Roland Mary.

Sa katunayan ay nakilala ng Oscar-winning actor si Nicole sa mismong restaurant ng mister nito noong kasalukuyang nasa isang press tour si Brad promoting Once Upon A Time In Hollywood last year.

Noong magkita ulit sina Brad at Nicole, unang date nila ay sa concert ni Kanye West.

Wala pa namang comment tungkol sa bagong karelasyon ni Brad ang ex-wife nitong si Angelina Jolie.

Chariz hoping na suwerte ang 3rd baby

Mukhang hindi muna makakapagbalik-taping ang Kapuso comedian na si Chariz Solomon sa kanyang shows dahil kasalukuyang buntis ito sa kanyang ikatlong baby.

Ginulat ni Chariz ang maraming netizens sa kanyang pag-post sa Instagram na may nakasulat na number 3 sa kanyang tiyan. Nataon na 31st birthday ito ni Chariz.

Eight months pregnant na pala ito at manganganak na ito sa susunod na buwan, kaya hindi ito makakapagbalik sa taping ng kanyang shows na Bubble Gang, Pepito Manaloto at Descen­dants of the Sun.

“It’s still a SUPER. HAPPY. BIRTHDAY,” caption ni Chariz sa kanyang IG post.

Marami ang natuwa sa pagiging mother ulit ni Chariz. Sa celebrity friends na nakakaalam na buntis siya, wala sa kanila ang nagbunyag dahil nire­respeto nila ang privacy ni Chariz at kailangan na siya mismo ang mag-announce ng kanyang pregnancy.

Sa simula pala ng lockdown ay two months pregnant na si Chariz, pero hindi niya ito pinaalam. Kahit na nag-post ito noon na namumrublema na siya sa budget ng kanyang pamilya dahil sa ilang buwan na walang taping, nanatili pa ring positive si Chariz dahil naniniwala siya na may dalang suwerte at pag-asa ang baby na pinagbubuntis niya ngayon.

Nadine, tutok sa paglalaba ng anak

Walang pagsisisi ang former Kapuso actress at Starstruck season one avenger na si Nadine Samonte na hindi na siya aktibo sa showbiz dahil nagagawa niyang matutukan ang pag-alaga at paglaki ng dalawang anak nila ng kanyang mister na si Richard Chua.

Marami nang natuturo si Nadine sa kanyang panganay na si Heather pagdating sa paggawa ng house chores. Sa recent post ni Nadine sa Facebook, makikitang naglalaba silang mag-ina at naging bon­ding moment nga raw nila ito.  

Bukod sa paglalaba, tumutulong din daw si Hea­ther sa paglinis ng kanilang sasakyan. Kasama naman daw nito ay ang kanyang Daddy Richard.

Since the start ng lockdown noong March, sa kanilang farm sa Zambales na nag-stay ang pamilya ni Nadine kung saan malinis ang hangin at malayo sila sa kaguluhan ng Metro Manila.

vuukle comment

BRAD PITT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with