^

Pang Movies

August 28, parang Biyernes Santo...

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Noong Biyernes, August 28, ang huling araw ng libu-libong mga empleyado, radio and TV anchors, actors and talents at iba pa na-retrench dahil sa pagkakait ng mga kongresista na muling bigyan ng panibagong prangkisa ang major TV network na ABS-CBN.

Nag-mukhang Biyernes Santo ang atmosphere sa loob ng ABS-CBN dahil sa iyakan at paalamanan ng mga taong nagsilbi at naging bahagi ng maraming taon para maihatid lamang sa publiko ang impormasyon, news, entertainment at public service.

Walang mag-aakala na mangyayari ito sa kanila at sa major entertainment and media conglo­merate na ang popular slogan ay “In the service of the Filipino” na kanilang minana sa founder mismo ng Kapamilya Network, ang yumaong si  G. Eugenio `Ka Geny’  Lopez, Sr.

Lalong nadurog ang aming puso nang magpaalam na rin ang regional programs at reporters ng ABS-CBN.

Nakakalungkot, Salve A. at hindi namin napigilan ang maluha.

Diego, natutuwa sa anak ni Sofia

Mamang-mama na ang dating ng 25-year-old na si Diego Loyzaga nang ito’y aming makahuntahan a few days ago kasama ang kanyang actress-mom na si Teresa Loyzaga. Maging ang built ng katawan ngayon ni Diego ay maganda. Halatang kanyang pinaghandaan ang muling pagbabalik sa showbiz matapos siyang magpahinga ng isang taon at kalahati.

Si Diego na dating talent ng Star Magic ng ABS-CBN ay isa sa pinakabagong lumagda ng kontrata sa Viva Artists Agency (VAA) kasunod na isa pang talent dati ng Star Magic na si McCoy de Leon.

Kahit wala pa siyang bagong girlfriend, sinabi ng young actor na inspired umano siya ngayon sa pagbabalik-trabaho. At kahit kapipirma pa lamang niya sa VAA ay may dalawang movie projects kaagad ang nakatakda niyang simulan na ang una ay isang suspense-thriller material ng writer-director na si Yam Laranas.

Kung malaki ang built ng kanyang katawan ngayon, kailangan naman niyang magpapayat at magpaliit dahil character ng isang 17-year-old  teenage boy ang kanyang gagampanan.

Base sa kuwento niya sa amin, super excited siya sa unang project na kanyang sisimulan dahil kakaiba umano ito at may touch din ng horror.

Samantala, tinanong namin si Diego kung ano ang kanyang naging reaction nang malaman niyang may baby na ang kanyang ex-girlfriend na si Sofia Andres, ang nine-month old cute baby girl na si Zoe na anak niya sa kanyang partner ngayon na si Daniel Miranda, isang international race car driver.

Ayon sa binata nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga, masaya umano siya for Sofia at Daniel.  At naku-kyutan din siya sa anak nila.

Inamin din sa amin ni Diego na willing pa rin siyang makatrabaho si Sofia kung may offer na darating sa kanila. Wala naman daw silang bad blood ni Sofia at magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon.

Kahit nagkaproblema sila noon ng kanyang amang actor na si Cesar Montano, looking forward umano siya na makatrabaho ang ama balang araw either bilang co-actor in a movie o ‘di kaya siya (Cesar) ang director.

McCoy, ayaw munang mag-girlfriend

Nasa bakuran na rin ng Viva management ang dating member ng Hashtags all-male dance group ng It’s Showtime at ex-PBB housemate-turned actor na si McCoy de Leon.

Tulad ni Diego Loyzaga, loveless din ngayon si McCoy matapos silang maghiwalay ni Elisse Joson na naging kasamahan din niya sa PBB house. Ang dalawa ay gumawa ng pelikula last year, ang Sakaling Maging Tayo na silang dalawa mismo ang lead stars.  But at that time ay may problema na ang kanilang relasyon.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with