^

Pang Movies

‘Di lang sinasabi John maraming natanggap na pera...

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Sa pagpapatuloy nga ng kuwento ko sa ginagawang pagdududa ni John Regala sa amin, even before pa, John has always been asking me na gusto niyang makausap ang kanyang biological son sa Amerika na si John Paul Kieffer. Hiningi ko sa kanya ang real name ng kanyang ex-wife na si Aurina Alvarez Manansala-Hunt. Sa tulong ng social media ay na-trace ko si Au at naging daan ng aming constant na communication.  Ako rin mismo ang nakiusap sa kanya na kumbinsihin ang kanyang anak (Kieffer) na kausapin si John. Hindi agad-agad ito nangyari, pero nangyari noong naka-confine mismo si John sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) na efforts namin sa tulong ni Cong. Ronnie Ong kaya siya napasok sa nasabing pagamutan matapos siyang ma-reject sa iba’t ibang pagamutan dahil punung-puno lahat dahil sa COVID-19.

Since then on ay araw-araw nang tinatawagan ni Au ang dating mister kahit may American husband na itong si Stephen Hunt.  Pati ang dating yaya ni Au na si Bem Santillian Torres ay pinatulong niyang mag-alaga kay John na pinapadalhan din niya ng pera pati panggastos ni John.

Bago nag-check out ng pagamutan si John ay nagpadala pa si Au ng $1,000 thru Western Union na si Bem pa ang nag-claim amounting to 47,600 in pesos ito’y bukod pa sa $200 dollars na personal na hiningi mismo ni John sa dating asawa.

Bago pa man kami nag-open ng joint account ni Nadia sa BDO para doon ipa­sok ang mga donation, may ibang donasyon na direktang pumasok sa personal account ni John sa Metrobank at kasama na rito ang donasyon na nagmula kay Sen. Bong Revilla at Vic Sotto na wala kaming access na ako rin mismo ang nag-provide ng kanyang bank account details. 

Personal naman niyang tinanggap ang P100,000 cash na tulong ni G. Raffy Tulfo (after his first interview with John) na may kasamang isang sakong bigas at ilang grocery items, P12,000 mula kay Rep. Ronnie Ong na personal na bumisita sa kanya maging ang padalang tulong ni Mayor Richard Gomez.  All these money ay hindi dumaan sa amin.

Lahat ng aming nakolekta ay all accounted for lahat mula sa mga pangalan at amount maging ang lahat ng ginastos for John including his hospital bills, medicines, groceries, beddings at iba pa niyang personal na pangangailangan (including boxer shorts, t-shirts, pajamas, slippers na si Liza pa ang namili).  All the remaining amount was deposited sa personal bank account ni John sa Metrobank at meron kaming pinanghahawakang bank deposit slip at bank certificate attesting that said amount was transferred to John’s bank account. 

Nasisi pa kami dahil anim na doctor ang kanyang attending physicians sa NKTI maging ang hospital bills ay isinumbat pa sa amin dahil may kilala raw siyang doctor na hindi raw ganoon aabutin ang gastos.

Araw-araw ay gusto niyang lumabas ng pagamutan and on 8th day ay wala na kaming nagawa kundi pagbigyan ang kanyang kahilingan. We wanted him to stay for another week sa pagamutan para sa kanyang tuluyang paggaling pero hindi na namin siya nakumbinse. 

And in all fairness, malaki ang in-improve ng kanyang kasulugan sa kanyang eight-day stay sa hospital. He was able to stand and walk, nagkaroon ng kulay ang dati niyang maputlang balat at nakakakain na siya ng solid food na dati-rati’y isinusuka niya na may kasama pang dugo dahil sa kanyang cirrhosis of the liver at iba pang karamdaman.

So masama pa ba ‘yun? Bakit kailangan niya pa kaming palabasing masama.

Pero at the end of the day naman, ang importante ay nakatulong kami at malinis ang konsensiya namin.

vuukle comment

JOHN REGALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with