^

Pang Movies

Mataas na talent fee, bawal na!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

May shows na ipapalabas sa TV5 na nagsisimula na ang pre-production.

Nagka-casting na ang mga ‘yon. Isa sa kina-casting ay sitcom.

So, sitcom pala ang mauuna at hindi gag show?

Puwede rin namang may sitcom at may gag show rin, tama, Ateng Salve?!

Anyway, may ibang mga artistang ini-inquire ang nagkaroon na ng shows noon sa TV5, noong panahon na mismong ang Kapatid network management pa ang nagpo-produce.

Pero siyempre, iba na ngayon. Blocktimers na ang nagpo-produce for TV5, kaya ibang usapan na.

Hindi na puwede ‘yung sobrang laking TF (talent fee), kaya may ibang mga artista raw na nagugulat sa inquiries sa kanila dahil mas mababa na ang TF.

Pero sa panahon ngayon na blocktimed nga lang ang shows sa TV5 na uumpisahan, malabo talagang ipilit ang napakataas na TF ng ibang mga artista.

Hindi nga ba kaya napapabalitang kahit sariling shows nila ay pinala-line-produce na nila para hindi na nga sobrang taas ng budget?

Saka ang production staff naman ng mga show na binubuo for TV5 ngayon ay galing sa ABS-CBN (at iba ay galing GMA 7), kaya aware sila kung magkano ang talent fees sa ibang TV networks ng mga artistang kinukuha nila, huh!

So, hindi talaga makakalusot ang mataas na TFs, ‘noh?!

Pokwang, nagpasalamat sa maraming blessings

Birthday kahapon ni Pokwang, kaya may selebrasyon siya sa TV5 morning show nila nina Ria Atayde at Pauleen Luna, ang Chika BESH!

Guest ang BFF niyang si K Brosas. Siyempre, nag-guest din ang love of her life na si Lee O’Brian.

Kahapon ay kapalitan ko ng PM (private message) sa pamamagitan ng Facebook Messenger si Pokwang.

Binati ko siya ng happy birthday at nag-thank you naman ang comedian/TV host.

So, saan ang selebrasyon nila?

“Bahay lang me. Actually, maglilinis ako. Magluluto rin,” sabi niya.

Pero dahil maraming blessings sa kanya ngayon dahil nga sa morning show ng TV5, plus ang Fill In The Bank nila ni Jose Manalo, siyempre, pupunta raw siya sa simbahan. “Magsisimba rin ako,” sey pa ni Pokwang.

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with