^

Pang Movies

Kris, hindi takot bugbugin

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Na-challenge si Kris Bernal sa role na ini-offer ng bagong episode ng Wish Ko Lang ni Vicky Morales sa kanya, na gaganap siya bilang si Jerlyn, na binubugbog ng asawa, hindi minsan lamang kundi maraming beses. Hindi ba tumanggi si Kris nang malaman niyang ganoon ang role na kanyang gagampanan na kahit paano ay talagang masasaktan siya kapag ginawa na nila ang eksena ng gaganap niyang asawa na si Ahron Villena? “Hindi po, na-challenge pa nga ako,” nakangiting sagot ni Kris. “Matagal-tagal na po akong nabakante sa pag-arte kaya hinahanap ko na rin muling humarap sa camera.”

Mapapanood ang Wish Ko Lang sa Saturday, after ng Tadhana sa GMA-7.

Howie, pinasyalan ang COVID-free na bayan

Sa dami ng negative news tungkol sa COVID-19 pandemic, parang ayaw mo nang magbasa o manood sa TV ng mga balitang may kaugnayan dito. Pero meron pa rin naman palang magandang balita na dapat nating panoorin, ang 143 COVID Free documentary ni Howie Severino sa I-Witness ngayong Friday evening.

Meron pa rin palang isang lugar sa bansa na sa loob ng 143 days o limang buwan ay hindi nagkaroon ng kahit isang COVID-19 patient, ang Bambang town sa Nueva Ecija, at kinober ito ng isang COVID-19 survivor, ang documentarist na si Howie Severino. 

Kaagapay ni Howie si Zyza Cruz Bacani, dating domestic helper sa HongKong na na-meet niya nang i-cover niya noon ang Umbrella Revolution doon. Ngayon ay isa nang international photographer si Zyza na umiikot sa buong mundo para sa bagong trabaho. Umuwi si Zyza sa Bambang kung saan siya na-stranded dahil sa pandemya. Pero ang coverage niya tungkol sa COVID-19 ay nailathala niya sa National Geographic magazine.

Kaya ang 143 COVID Free episode ni Howie ay tungkol sa natatanging OFW at ang laban ng kanyang bayan ay mapapanood na mamayang gabi sa GMA News TV, pagkatapos ng New Normal: Family Time.

vuukle comment

KRIS BERNAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with