Kris wala sa hitsurang gumagastos sa pagkain
Pikang-pika na ang Kapuso actress na si Kris Bernal na non-stop sa pagbanat sa kanyang katawan!
Bulalas ni Kris sa kanyang Instagram Story, “Stop telling me what to eat or what I should eat, you’re not my mother!”
Perfectly healthy naman si Kris ayon sa kanyang doctor. Ang metabolism lang niya ang ikinawiwindang niya.
“You’re concerned? Don’t worry, my doctor says that I am perfectly healthy and that I need to add more calories to my meals because my metabolism is insane.
“Only fitness enthusiasts or buffs will understand,” rason niya.
Palibhasa payat at maliit, hindi naman daw siya anorexic.
“But in all honesty, it’s just my body type. It’s in my genes that I am ectomorph,” saad pa niya.
Malakas naman siyang kumain pero hindi raw talaga siya tabain. Aminado mang matipid, basta sa pagkain, eh hindi tinitipid ni Kris ang pera niya.
Anyway, tampok si Kris sa fresh episode ng Wish Ko Lang kasama sina Biboy Ramirez, Ahron Villena at Barbara Miguel.
- Latest