^

Pang Movies

Tessie, nasa isla na COVID-free

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Tessie, nasa isla na COVID-free
Tessie

Nais iparating ng veteran actress and comedian na si Tessie Tomas na hindi pa siya retired sa showbiz at ready pa rin siyang magtrabaho kapag maayos na ang lahat sa Pilipinas.

Kasalukuyang nakatira ang 69-year old actress sa Isla Of Man kasama ang kanyang British husband na si Roger Pullin na isang marine biologist.

Ang Isla Of Man ay isang island na matatagpuan sa gitna ng Great Britain at Ireland. Ayon kay Tessie, tahimik at malaparaiso ang naturang isla. At ang nakakatuwa pa ay COVID-19 free ang naturang isla. “Believe it or not, it’s COVID-19 free because there are only 80,000 people in this 30 square mile beautiful island and then nobody’s allowed to come in up to now. Walang tourist,” pahayag ni Tessie sa isang virtual interview.

Kakabalik nga lang daw ni Tessie sa Isla Of Man dahil inabot siya ng six months sa Pilipinas dahil sa lockdown. Binisita raw kasi ni Tessie ang kanyang inang si Laura Hermosa sa Catbalogan City at doon na raw siya inabutan ng lockdown.

Pahirapan nga raw na makakuha ng flight pauwi sa Isla Of Man, pero noong makatiyempong makasakay si Tessie, inabot naman daw ng higit sa 24 hours ang biyahe. “Anim na tao lang kami du’n sa maliit na eroplano na dapat for 50. Siyempre, tiniis mo na lang. Naka-PPE ako. Actually, ang nakapagpapalakas lagi ay ‘yung prayers. Pagdating ko dito, hindi ko agad nakita ang asawa ko. Sinundo ako ng taxi diretso ako sa hotel na kailangan akong mag-quarantine for 14 days,” kuwento pa ni Tessie.

Kahit na malayo si Tessie sa Pilipinas, panay naman ang post niya ng mga bagong video content para sa kanyang YouTube Channel. Pinapakita niya sa videos na ilang magagandang lugar sa Isla Of Man at ina-update niya ang maraming Pinoy sa kanyang mga ginagawa kasama ang kanyang mister. Hindi pa rin daw nawawala ang kanyang pagiging komedyante.

After all, si Tessie ang nabigyan ng title na First Lady of Philippine Television dahil sa kanyang pag-impersonate noon kay former First Lady Imelda Romualdez Marcos as Meldita. Ilan pa sa pinasikat na characters ni Tessie ay sina Amanda Pineda, Bonnie Buendia at Barbara Tengco.

Isabelle, magbibigay ng ayuda sa teacher

Pinapahanap ng aktres na si Isabelle Daza ang private school teacher na nag-viral sa social media na nawalan ng trabaho at nagtitinda na lang daw ng tinapay dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang netizen na si Karlo Ternora ang nag-post ng photo ng teacher sa social media pagkatapos siyang lapitan nito at alukin ng kanyang tinitinda.

 Nakita ni Isabelle ang naturang post at agad siyang nagpatulong sa netizens na hanapin ang teacher para mabigyan niya ng tulong.

Isang pre-school teacher din kasi si Isabelle bago niya pinasok ang showbiz.

vuukle comment

TESSIE TOMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with