^

Pang Movies

Jennylyn dismayado, mga artista bayad lang nang bayad sa Philhealth ‘di napapakinabangan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Jennylyn dismayado, mga artista bayad lang nang bayad sa Philhealth �di napapakinabangan
Jennylyn

Masasabi nga siguro naming isang normal reaction, iyong ipinost ni Jennylyn Mercado na ang sama talaga ang simangot sa kanyang picture, na ang caption ay matapos niyang makita ang kinaltas sa kanyang pay slip bilang kontribusyon sa PhilHealth.

Hindi lamang si Jennylyn ang ganyan, maraming mga manggagawa na umaangal na ngayon sa kaltas ng PhilHealth matapos na mabunyag ang talamak na katiwalian sa kanilang ahensiya.

At ang kalokohan sa ahensiya ay mukhang hindi pa matitigil kahit na nabuko na dahil mukhang nagkakatakipan.

Hindi lang si Jennylyn, marami pang ibang artista ang dismayado, dahil malaki ang kanilang kita, malaki rin naman ang kaltas sa kanila ng PhilHealth at halos wala naman silang nakukuhang benepisyo mula sa ahensiyang iyan.

Palagay ba naman ninyo hahabulin pa ng celebrities ‘yung baryang makukuha riyan kung magkasakit sila?

Binayaran ba ng PhilHealth ang pagkakaospital ni Bong Revilla o ni Michael V.? Baka nga hindi na sila nag-claim, pero sa ayaw at sa gusto nila kinakaltasan sila ng PhilHealth.

Hindi na nga rin pinag-uusapan kung may pakinabang ba o wala eh, ang masakit ‘yung naririnig mo pang sabwatan para “masungkit” ang pera ng bayan.

‘Yung reaksyon ni Jennylyn, maski na sabihing babanatan siya ng trolls, marami pang susunod diyan lalo na’t mukhang wala na namang mangyayari sa imbestigasyong ginagawa ngayon. Hanggang imbestigasyon lang naman sila eh.

Sino kaya ang susunod na makakatanggap ng pay slip na may kaltas pa rin ng PhilHealth ang magpo-post ng nakasimangot na picture?

Sarah, ginawang ‘big deal’ ang naganap sa kanila ni Arnold!

Para bang isang napakalaking issue iyong sinabi ng dating OFW, na si Sarah Balabagan, na ang kanyang panganay na anak na 21 years old na ngayon ay si Arnold Clavio ang tatay.

Tahimik lang naman si Arnold sa nasabing issue.

Nangyari nga iyon. Hindi naman sinabi ni Sarah na siya ay pinagsamantalahan. Hindi rin naman niya sinabi na siya ay pinilit. Sa kuwento niya nagustuhan niya bilang kaibigan si Igan dahil sa sense of humor noon, hanggang sa naging close nga sila at nangyari ang lahat.

May asawa na si Sarah ngayon. Naninirahan sa US. Isa na rin siyang Kristiyano at maganda na ang kanyang buhay.

Bakit kailangang dalirutin pa iyong nangyari 22 years ago?

Female star na laos na, sinisisi ang COVID sa kawalan ng kita

Nakakatawa ang female star, sinisisi niya ang COVID-19, dahil kung hindi raw nangyari ang pandemya at nagawa niya lahat ng kanyang projects para sa 2020, siguro napakalaki ng kanyang kinita at natupad na niya ang lahat ng mga pangarap niya.

Pero bakit pa sisisihin ang COVID-19? Hindi ba bago pa man nagkaroon ng pandemic at lockdown, wala na talaga siyang trabaho dahil laos na siya?

Nagiging palusot na ngayon ng mga artistang laos na ang COVID, sinasabi nilang hindi nagawa ang malalaki nilang projects dahil sa pandemic samantalang kung iisipin mo, bago pa ang pandemic ay talagang laos na sila, hindi na kumikita ang kanilang mga proyekto, wala na rin silang ratings sa TV at ibig sabihin ready to retire na sila.

Dapat gumawa na lang siya ulit ng controversy para mapag-usapan siya, pero sisikat pa ba ulit?

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with