^

Pang Movies

Christmas song ni Jose Mari Chan, binagay sa PASCOVID!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Christmas song ni Jose Mari Chan, binagay sa PASCOVID!
Jose Mari Chan

Next week pa ang simula ng Ber months, September 1, Martes. Siyempre sa ganitong months, ang kanta ni Jose Mari Chan na Christmas In Our Hearts ang isa sa Christmas songs na tumatak sa publiko.

Pero ngayong pandemic, may chance na ang Pasko this 2020 ay maging PASCOVID dahil wala pang katiyakan kung kailan mapupuksa ang salot!

Eh sa kantang Christmas In Our Hearts, in-adapt ang lyrics nito ngayong pandemya. Heto ang orihinal na simula ng lyrics ng kanta:

“Whenever I see boys and girls selling lanterns on the streets…” Lumutang sa social media ang bagong lyrics, “Whenever I see boys and girls wearing face mask on their face…”

Very realistic, ‘di ba? ‘Yun nga lang, hindi natin alam kung may mangyayaring caroling ngayong Disyembre, huh!

May COVID-19 man o wala, tiyak namang tuloy pa rin ang Paskong Pinoy!

Carmina, nag-ayuda sa tatay ng fan

Tinulungan ni Carmina Villarroel ang ama ng isang fan na na-stroke upang madala sa ICU sa isang ospital through her friend.

Si Monique Evangelista ang fan na ipinahayag ang tulong ni Mina sa birthday episode niya sa Kapuso show na Sarap ‘Di Ba? “Ginawa niya ‘yon kasi she has a good heart…Super nakaka-touch ‘yun as a fan kasi noong time na nangangailangan kami, hindi siya nagdalawang-isip na tumulong,” kuwento ni Monique.

Sa susunod na episodes naman ng Sarap, ‘Di Ba?, 10 tablets naman sa estudyante ang ipamimigay ni Carmina basta i-follow lang ang Facebook, Twitter at Instagram account ni Mina.

vuukle comment

JOSE MARI CHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with