^

Pang Movies

Ruru ginagamit ang BTS para sumikat?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Tinawag na “clout chaser” ng ilang fans ng BTS si Ruru Madrid dahil ginagamit daw ang BTS member na si Kim Tae-hyung o Taehyung para sumikat.

Lalo pang nainis ang ibang BTS Army (tawag sa BTS fans) nang gamitin ni Ruru ang word na “dynamite” sa caption ng latest updated photo niya sa Instagram.

Ang Dynamite ang title ng latest song ng BTS, their first all-English song na talaga namang parang dinamita sa lakas ng suporta ng Army.

May isa ngang Army na pumasok sa IG page ni Ruru at sinabihan siyang tigilan ang paggamit sa BTS at kay Taehyung. Bale ba, minsan nang napansin ni Taehyung si Ruru, nag-post ng emoji sa post ng Kapuso actor na ginayang manamit ang BTS member.

In fairness, may BTS Army din naman na ipinagtanggol si Ruru at nagtanong sa kapwa Army na galit kay Ruru kung masama raw ba ang humanga?

May nag-comment pa na hayaan mag-fanboy sa BTS si Ruru at least daw, nadagdagan sila.

Ang nangyari, ang BTS Army ang nagsasagutan sa IG Page ni Ruru dahil kung may inis at galit, meron din namang natutuwa  sa kanya.

 Actually, may isa pang isyu kay Ruru na may kinalaman naman sa video post niyang pinu-promote ang Spicy Oishi Prawn Crackers. May basher na nag-comment ng “Hirap talaga pag gipit lahat na lang gagawin.” Nabasa ‘yun ng aktor at sumagot.

“Mahirap talaga ‘tol. Pero masaya naman ako sa ginagawa ko, mahal  ko naman ang trabaho ko kaya kahit na mahirap o nakakapagod okay lang kasi nawawala lahat ng hirap at pagod ko pagka-alam ko na may mga tao akong napapasaya at natutulungan.”

Wala raw ginagawa si Ruru, pero napapanood siya sa rerun ng Encantadia kung saan, gumaganap siya sa karakter ni Ybrahim. Kasama rin siya sa All-Out Sundays kung saan, sing and dance naman siya.

Pokwang iniisyuhan sa mga dialogue sa ABS-CBN

Bakit iniisyuhan si Pokwang sa pagtanggap niya ng show na airing sa TV5? Lalo pang uminit ang ulo ng mga galit kay Pokwang sa pahayag nitong nagpapasalamat sa ABS-CBN.

Sabi kasi ni Pokwang, “Nagpapasalamat po ako nang sobrang-sobrang pasasalamat po talaga sa ABS, sa mga nagtiwala sa akin. And nagpapasalamat pa rin po ako, kasi ako po ‘yung una nilang sinabihang wala nang kontrata... Sa isang banda, hindi ko po dapat ikatampo ‘yun kasi...at least, maaga akong nasabihan, maaga ko pong naihanda ‘yung sarili ko, maaga ko pong naisalba ‘yung pamilya ko... Hindi mawawala siyempre kung ano ‘yung nagawa sa akin ng ABS, sobrang thank you po talaga.”

May komontra kay Pokwang dahil minsan daw nitong nasabi na matagal na siyang nagpapaalam sa ABS-CBN, ayaw lang siyang payagan. Ngayon, nabanggit nitong sinabihan pala siyang wala na siyang kontrata sa ABS-CBN.

Majority naman sa Kapamilya fans, naintindihan si Pokwang lalo’t may nanay, mga kapatid, at anak na umaasa sa kanya.

Saka, masuwerte si Pokwang dahil dalawang shows ang ginagawa niya sa TV5 na produced ni Mr. Tony Tuviera.

Isa rito ang Chika, Besh! nila nina Ria Atayde at Pauleen Luna-Sotto at Fill in the Bank nila ni Jose Manalo.

Benjamin panay ang tinda ng bulaklak

Pati si Benjamin Alves, nagkaroon ng business sa panahon ng COVID-19 at lockdown, but unlike the other celebrities na food ang pinasok na negosyo, si Benjamin, Ecuadorian roses ang negosyo at kasosyo ang GF niyang si Chelsea Robato na tinawag nilang House of Roses.PH.

Sila na rin ng GF ang endorser ng House of Roses at hindi kami magugulat kung si Benjamin na rin minsan ang nagde-deliver ng ino-order na Ecuadorian roses.

Sa IG Page ni Benjamin, ang daming photos ng roses at may mga lalakeng mas nabibighani na bumili kapag nakita ang sexy photos ni Chelsea.

Sa mga gustong bumili ng Ecuadorian roses, visit house of roses.ph.

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with