^

Pang Movies

Robin, astang sundalo na uli!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Robin, astang sundalo na uli!
Robin

May nagtanong sa amin, “ano na naman ang ginagawa ni Robin Padilla na naka-uniporme pa ng sundalo? Hindi ba bawal ang pagsusuot ng uniporme ng sundalo lalo na at hindi ka naman talaga sundalo?” Ang tanong pa, “ano iyan H World na naman”.

Pero si Robin ay itinalaga opisyal sa Multi-Sector Advisory Board ng Philippine Army. Iyan ay binubuo ng mga tao na natatawag para tumulong sa ilang adhikain ng sandatahang lakas.

Usually sila ang katulong ng army upang maibaba sa masa ang impormasyon sa mga ginagawa ng kanilang sandatahang lakas. Dahil multi-sectoral, talagang galing sila sa iba’t ibang sektor.

Iyan ay isang “honorary title” lamang. Walang suweldo. Maaaring binibigyan lamang sila ng honorarium kung sila ay ipinatatawag. Hindi rin nangangahulugan na sila ay may pribilehiyo kagaya ng mga totoong sundalo, na bukod sa suweldo ay may mga retirement benefit.

Iyang nasa advisory board ay nananatili lamang diyan habang nariyan din ang appointing officer nila.

In short, hindi mo aasahang sila ang ipapadadala sa mga bakbakan laban sa NPA o Abu Sayyaf.

Diyan sa advisory board ay mayroon pang isang artistang kasama, si Matteo Guidicelli. Ang kaibahan nga lang siguro, si Matteo dahil bata pa naman at malakas pa ang katawan, sumailalim sa pagsasanay ng military.  Si Matteo ay 2nd Lieutenant sa reserve force. Si Robin hindi na dumaan sa ganoon.

Ang ikinatatakot ng ilan, baka raw maulit na naman ang nangyari kay Robin noong araw na kung saan siya ay pinaniwala na siya ay isang official military “asset”, at “nakapagdadala ng malalakas na armas”.

Palagay naman namin hindi na mauulit iyon, dahil kung natatandaan ninyo, iyon ang dahilan kung bakit naranasan din niya ang makulong sa Muntinlupa ng tatlong taon.

Pamilya ni Gabby maraming hinanakit

Ngayon ay lumalabas na ang mga kuwento at hinanakit ni Mike Concepcion sa kanyang kapatid na si Gabby Concepcion. Ang matindi niyang akusasyon, kamamatay lang daw ng kanilang ina, may truck ng Coast Guard, na may mga kasama siyem­pre sundalo, na dumating sa kanilang property sa San Juan at “naghakot ng mga gamit ni Gabby”. Kinabukasan daw, bumalik pa ang mga iyon “at may gusto pang kunin sa ancestral house, pero hindi ko na sila pinayagan na galawin ang ano man doon,” sabi pa ni Mike.

Ang lumalabas namang katuwiran, iyon ay mga gamit ni Gabby na hindi na niya kailangan, at mukhang ibinigay niya bilang donation para magamit ng ilang ahensiya ng gobyerno na maaaring makinabang doon.

Pero siyempre, may ibang kulay pa rin, dahil bakit hindi si Gabby mismo ang naghakot noon at saka niya ibinigay kung kanino niya gusto?

Bakit kailangang truck at sundalo ng Coast Guard? 

Sikat na matinee idol natikman na ang papasikat na aktor

Nagulat ang dating sikat na matinee idol na nagsa-sideline, dahil nang dumating siya sa kanilang “appointed place” ang inabot niya roon ay isang sumisikat na “sexy male star.” Kung sabagay, noon pa naman ay may tsismis na ang sumisikat na “sexy male star” na iyan ay bisexual. At iyon nga ang nakumpirma ngayon ng dating sikat na matinee idol dahil siya ang “naging client nito”.

Inamin daw iyon ng dating sikat na matinee idol sa isa niyang close friend na “male starlet” din, na “nagsa-sideline rin naman”. Iyong kaibigan niyang male starlet ang siya namang nagkakalat ng tsismis tungkol sa sexy male star.

Sinasabi niyang , “hindi bagay ang mga roles niya dahil sa totoo lang, bisexual siya”.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with