^

Pang Movies

Kahit kanselado na, Darna mananatiling hawak ng Kapamilya

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kahit kanselado na, Darna mananatiling hawak ng Kapamilya
Jane de Leon

Final na nga. Hindi na tuloy ang pelikulang Darna.

Kahapon ay naglabas na ng official statement ang ABS-CBN tungkol dito.  

“Nananatili ang rights ng Darna sa ABS-CBN na nagdesisyong itigil muna ang produksyon ng pelikula pagkatapos ng masusing pag-aaral sa naging epekto ng COVID-19 pandemic sa industriya ng pelikula at mga sinehan. 

“Handa kaming sumunod sa production guidelines sa ilalim ng new normal at pangalagaan ang kaligtasan ng mga artista at manggagawang kabilang sa produksyon. Ngunit dahil nangangailangan ng kumplikadong logistics, crowd shots, at fight scenes na may physical contact ang pelikula, mahihirapan kaming bigyan ng hustisya ang superhero film habang sumusunod sa guidelines.

“Nasa kalagitnaan pa rin tayo ng isang pandemya, at mahirap sabihin kung kailan makakabalik ang mga sinehan at mga manonood.

“Nagpapasalamat kami sa lahat ng cast, staff, at production crew sa trabahong ibinuhos nila sa proyekto. Nagpapasalamat din kami sa pamilya Ravelo, sa fans ni Darna, at sa publiko para sa suporta at pang-unawa.”

Si Jane de Leon sana ang magiging bida rito.

Show ni Juday laging iniiyakan

Sa pagkalat ng karamdaman at pangamba sa panahong ito ng pandemya, nakahanap ang mga manonood ng pag-asa at inspirasyon sa docu-drama na Paano Kita Mapasasalamatan ni Judy Ann Santos-Agoncillo. 

Itinatampok sa pamamagitan ng mga panayam at pagsasadula ang mga totoong kuwento ng mga taong tumutulong sa kapwa nang walang hinihi­ling na kapalit. Na kusang-loob lang at hindi na ipinagkakalat. 

Mapapanood ito tuwing Sabado sa Kapamil­ya Channel sa cable TV at Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube. 

Sa episode nito ngayong gabi matutunghayan ang magkakadugtong na mga buhay ng civilian guard na si Arnold Carballo, dancer na si Jayvid Garon, PWD rapper na si Joshua Berenguer, at composer na si Mike Swift, na nagtutulungan sa pagbangon at pagsisikap para matupad ang mga pangarap nila sa mundo ng hiphop, breakdancing, and rap.  

Dahil sa marka na iniwan ng Paano Kita Mapasasalamatan sa mga manonood nito, linggo-linggo ring bumuhos sa social media ang mga positibong komento tungkol sa show as in marami ang napapaiyak. 

Nauna nang iniyakan ng viewers ang kwento  ni Iza Calzado, na pinasalamatan ang kanyang katulong na si Donna Garcia na kasa-kasama niya habang nilabanan ang COVID-19, at ni Kim Chiu, na pinasalamatan si Adrian Crisanto, ang taong humikayat kay Kim na i-record ang kantang Bawal Lumabas matapos siyang siraan sa social media dahil sa pagsasalita tungkol sa ABS-CBN franchise issue. 

Sa panahon ngayon, talagang mas tamang manood ng pang-good vibes para mabawasan na rin ang mga nakakatakot na pangyayari sa paligid. 

vuukle comment

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with