^

Pang Movies

Robin binigyan ng posisyonsa Philippine Army!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

May bagong posisyon si Robin Padilla.

Na-elect pala siya sa Philippine Army Multi-Sectoral Advisory Board (PA MSAB) bilang bagong Strategic Communication (StratCom) Committee Chairperson. “We recognize his effectiveness in communicating ideas to people from different walks of life, especially to the Muslim youth, as such we look forward to his expertise to promote transparency, accountability, and efficiency,” ang sabi ng spokesperson ng Philippine Army na si Col. Ramon Zagala sa interview sa kanya ng mga reporter.

Pero last July pa pala ito at kahapon lang kumalat sa social media.

Tanong lang nila, may suweldo ba raw si Robin sa kanyang posisyon?

Maalalang, maraming ibinibigay na posisyon sa action star pero hindi tinatanggap. Supporter ni President Duterte si Robin.

Jolo inaasa na lang sa diyos ang COVID ni Sen. Bong

Inaasa sa Diyos ni Jolo Revilla ang paggaling ng daddy niyang si Sen. Bong Revilla na kasalukuyang nasa hospital dahil sa COVID-19.

“Panginoon, Kayo ang aming sandigan at pinagmumulan ng ibayong lakas upang mapagtagumpayan ang pinakamalaking hamon ng aming panahon. Itinataas namin sa Inyo ang aming bansa, at ang lahat ng aming mga kababayan na nagdurusa ng dahil COVID-19.
“Sa Inyong banal na dugo, balutin po Ninyo ang aming frontliners upang patuloy nilang gampanan ang kanilang tungkulin ng hindi nalalagay sa alanganin ang kanilang sariling kaligtasan.
“Ipinapanalangin din po namin ang lahat ng indibidwal na kasalukuyang pinahihirapan ng sakit na ito, upang sa agad silang gumaling at bumalik sa piling ng kani-kanilang pamilya.
Itinataas rin po namin sa Inyo ang agarang paggaling ng aking Papa na si Senator Ramon Bong Revilla, Jr. Lubos po kaming nananampalataya na hindi Ninyo siya pababayaan at tuluyang pagagalingin upang muli namin siyang makapiling, maging ng aming mga kababayan na kanyang pinaglilingkuran.
“Tanging Kayo lamang ang aming Tagapagligtas, kaya patuloy kaming mananampalataya sa Inyo. Malaki man ang hamon na aming kinakaharap dahil sa COVID-19, mas malaki at mas makapangyarihan pa rin ang aming Diyos na Tagapagligtas. Amen.”

Paggaling ka agad Sen. Bong.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with