^

Pang Movies

Darna, kumpirmado hindi na lilipad

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Umatras na ang Star Cinema sa proyekto nilang Darna. Sinasabi nilang hindi pa nagsisimula ang actual shoot ng pelikula, umabot na sa P140-M ang gastos. Ang haba na kasi ng pre-production ng pelikulang iyan. Doon lang sa sinasabi nilang binago nilang costume ni Darna, aba eh malaking gastos na iyon. Bukod doon may risk pa. Dahil binago ang costume, baka nga hindi na makilalang si Darna iyon at isiping karaniwang super hero lang iyon. Na parang balewala rin ang ibinayad nila sa title ng Darna.

Iyon ang malaking gastos diyan, title pa lamang at characters iyon, dahil ang kuwento ay iba na ang gagawa. Wala na si Uncle Mars Ravelo na siyang orihinal na gumagawa ng mga kuwento ng Darna.

Nagsimula sila ng pre-production na si Erik Matti pa ang director. Si Angel Locsin pa ang sinasabing Darna. Hindi na umubra si Angel matapos na maoperahan sa likod, ipinalit nila si Liza Soberano. Tapos pinalitan na rin ang director. Biglang hindi rin umubra si Liza Soberano nang mabalian naman ng daliri sa taping ng isang serye. Kumuha sila ng isang baguhan (Jane de Leon).

Ang tanong, kahit na ba Darna iyan eh, kaya ba ng isang baguhan?

Tandaan ninyo, dalawang Darna ang mahina, iyong ginawa ni Anjanette Abayari at kay Nanette Medved. Hindi dahil sexy ka puwede ka nang Darna. Kailangan din tanggap ka na ng publiko bago pa ang Darna project mo.

Eh iyang baguhan na hindi mo alam kung ano nga ba ang pinagmulan, iyan ba ang paliliparin mo agad?

Isa pa, wala ngang ABS-CBN ngayon na siya sanang pinakamalakas nilang promo medium. Kung tumagilid man ang pelikula sa takilya, kung may sinehan na, kikita pa rin iyan oras na ipalabas ng ABS-CBN sa TV. Bukod pa nga sa gagamitin iyan ng Cinema One, ng TFC at iba pa nilang platforms. Eh ngayong iyong pinakamalaking platform nila, ang ABS-CBN ay wala na, papaano pa?

Pinakamagandang desisyon ang huwag na nilang paliparin si Darna.

John, pasaway kahit may sakit

May joint public statement ang mga kaibigan ni John Regala na unang tumulong sa kanyang pagpapagamot. Umatras na kasi sila at mukhang nakunsumi kay John na ayon sa kanila ay “napakahirap na maging pasyente.”

Bago pa iyan, nakakuwentuhan na namin si Tita Aster Amoyo tungkol diyan, at may mga narinig na kaming mga problema.

Pero ang hindi maliwanag sa amin ay iyong sinasabi nila sa statement na “abuse of self medication.” Ang ibig bang sabihin noon ay may ibang mga gamot na ginagamit si John maliban sa mga ibinibigay sa kanya ng doctor? O ang ibig bang sabihin noon ay umiinom siya ng kanyang mga gamot na mas higit sa dosage na ibinilin ng doctor?

Hindi maliwanag sa amin iyong “abuse” at iyong “self medication.” Kasi nasa ospital na nga siya noon eh, ano pa ang kaso ng “self medication”?

Tatay ni Steve Dailisan, pumanaw sa atake

Nais naming ipaabot sa aming kaibigan, na dating GMA News reporter na si Steve Dailisan ang pakikiramay sa pagyao ng kanyang ama.

Bigla na lang nagkaroon ng atake ang tatay niya, dinala nila sa ospital at biglang naapektuhan na nga ang brain noon. Na-coma at ngayon ay yumao na.

Ikinalulungkot din namin ang maagang pagyao ni Mr. Sancho Dailisan, ang tatay ni Steve.

Si Steve ngayon ay spokesperson na ng isang local airline company.

vuukle comment

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with