^

Pang Movies

Aicelle, dinudugo!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Aicelle, dinudugo!
Aicelle Santos

Para sa first time pregnant mom na si Aicelle Santos, natural lang ang mag-panic dahil sa naranasan nitong pagdurugo kamakailan.

Ayon sa Kapuso singer, nagkaroon ito ng blee­ding at slight contractions pagkatapos ng kanyang first trimester.

 Hindi rin daw maiwasan ni Aicelle na maging emotional dahil ayaw niyang may mangyaring masama sa unang baby nila ng mister niyang si Mark Zambrano. Isa raw sa tinawagan niya agad ay ang kaibigan at buntis din na si Maricris Garcia.

Ngayon ay hindi raw basta-basta kikilos lang si Aicelle dahil medyo delikado sa ngayon ang pagbubuntis niya. Kailangan daw lumakas ang kapit ng baby sa kanyang tiyan. Kaya laging pinagdarasal nito ang kaligtasan ng baby nila ni Mark. “Hindi mawawala ‘yung worry but at the end of the day kailangan mo lang talagang i-lift up kay Lord lahat, ‘Lord ikaw bahala, you take care of my baby,” sey ni Aicelle.

Noong nakaraang June lamang in-announce nila Aicelle at Mark na nakabuo na sila ng kanilang first baby.

Kris na-in love kay Aljur

Sa latest vlog ni Kris Bernal, naikuwento nito na na-in love siya sa dating ka-loveteam na si Aljur Abrenica. Nakatanggap kasi si Kris ng maraming questions mula sa kanyang subscri­bers tungkol sa naging real score nila ni Aljur noong gumagawa sila ng mga teleserye tulad ng Dapat Ka Bang Mahalin?,  All My Life, The Last Prince, Coffee Prince at Prinsesa Ng Buhay Ko.

“Naging love team kami ni Aljur nung StarStruck pa lang, 17 years old ako nun. Pero nung nag-work kami, aaminin ko na in love ko sa kanya. Pero may girlfriend siya,” sey ni Kris sa kanyang vlog.

Sa pagkakaalam namin, ang kasabayan nila sa StarStruck 4 na si Rich Asuncion ang girlfriend ni Aljur noong panahon na iyon.

Dagdag pa ni Kris, wala raw siyang balak na sirain noon ang relasyon ni Aljur sa girlfriend nito.

Hindi raw maiwasan ni Kris na hindi ma-in love kay Aljur noon dahil everyday daw silang magkasama sa taping.

Pero pinagdiinan ni Kris na matagal na raw iyon at may kanya-kanya na silang buhay ngayon ni Aljur. Masaya si Aljur sa married life nito with Kylie Padilla kung kanino meron siyang dalawang anak.

Si Kris naman ay happy sa piling ng fiancé niyang si Perry Choi.

Miley at Cody, hiwalay na!

Hiwalay na after 10 months sina Miley Cyrus at Cody Simpson.

Ayon sa balita ng PEOPLE, Page Six at TMZ, nag-break up ang dalawa pagkatapos i-drop ni Miley ang bagong single niya titled Midnight Sky.

Nagulat ang 113 million followers ni Miley sa Instagram dahil kelan lang na nag-post si Cod sa IG Story ng kanyang loving tribute to Miley. Nilagyan pa niya ito ng caption na In love with my best friend.

Si Cody rin ang naging dahilan kung bakit iniwasan ni Miley ang pag-inom ng alak at naging sober ito for six months.

Na-link romantically ang dalawa noong October 2019 pagkatapos na makipaghiwalay si Miley sa ngayong ex-husband niya na si Liam Hemsworth at sa fling nito na si Kaitlynn Carter.

Matagal na raw magkaibigan sina Miley at Cody, pero nauwi sa totohanang romance ang lahat nang bantayan ni Cody si Miley sa ospital noong maoperahan ito sa kanyang vocal chords noong November 2019.

vuukle comment

AICELLE SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with