^

Pang Movies

Thai series malakas na rin sa mga Pinoy!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Thai series malakas na rin sa mga Pinoy!

Maraming kinilig at excitement online para sa pinakabagong Tagalized Thai series na Come To Me tampok sina Singto Prachaya at Ohm Payat, na ipinalabas na sa iWant kamakailan.

Umiikot ang Come To Me sa malungkot na multong si Mes (Singto), na makikilala ang batang si Thun. Sa paglipas ng ilang taon, babalik si Thun (Ohm) upang iuwi si Mes sa kanyang tahanan upang tulungan itong makatawid sa kabilang buhay. Sa pangako ni Thun na hahanapin nila ang totoong dahilan ng pagkamatay ni Mes, malalapit ang loob ng dalawa, at unting-unti mahuhulog para sa isa’t isa.

Habang napapanood na ang unang apat na episodes ng serye sa iWant, tuloy-tuloy rin ang mga post sa social media tungkol sa mga eksena, na kinagigiliwan dahil sa pag-dub nito sa Filipino at sa kakaibang love story nito.

Kaya nga hindi na lang K-drama ang kinahihiligan ngayon. Pati Thai series may market na sa Pinoy viewers.

Sana lang hindi tuluyang makalimutan ng mga Pinoy ang local teleserye nation.

At ang isang sure rin, malakas ang boys’ love series.

Andre agree na qualified si Klea na maging beauty queen

Sa latest episode ng Shout Out Andre, guest ni Andre Paras ang Kapuso star na si Klea Pineda.

Napagkuwentuhan nila ang tungkol sa goal ni Klea na makasali sa beauty pageants.

Ayon sa Magkaagaw actress, “Ang daming nagsasabi sa’kin before pa na sumali raw ako sa pageants and yeah, gusto ko rin naman siya and nakakakaba siyempre at nakaka-pressure dahil ang dami sa social media na nagbibigay na sila ng year kung kailan ako sasali. Sinasabi nila 2022, 2021  daw,”

Hinikayat naman siya ni Andre na ituloy ang pangarap niya, “Kaya! Okay look, para ma-lessen ‘yung pressure mo, you’re smart, you’re tall, you can speak English and Tagalog fluently, you’re beautiful, and you’re smart.”

Pero bakit kaya iniisyuhan din si Klea na may  pagka-boyish daw.

vuukle comment

MOVIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with