^

Pang Movies

Kahit gumaling na sa COVID pang-amoy ni Michael V., hindi pa rin bumabalik

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kahit gumaling na sa COVID pang-amoy ni Michael V., hindi pa rin bumabalik
Michael V.

Isang magandang balita ang ibinahagi ni Michael V. sa kanyang latest YouTube vlog.

Ayon sa magaling na singer/composer/comedian, okay na raw siya at naka-recover na sa COVID-19.

Balita ni Bitoy, tapos na raw ang kanyang quarantine ngayon pero nagkaroon naman sila ng bagong pangamba dahil nagpakita raw ng sintomas ng COVID ang isang anak niya.

Nilagnat daw ang anak at nagkaroon ng diarrhea pero after three days ay nawala na rin ang symptoms nito pero nagpa-test na rin daw ito’t nag-isolate. And thankfully, negative naman daw ang resulta.

Nagpasalamat si Michael V. sa lahat ng nagdasal sa kanyang paggaling. Makikita nga sa hitsura niya na masaya na siya at mabilis na rin ang pagsasalita niya unlike sa unang vlog niya nang time na nagpapagaling na parang madali pa siyang mapagod.

Aniya ay hindi raw totally nababalik ang pang-amoy at panglasa niya. Nasa 75 percent pa lang daw pero sabi naman daw ng doktor ay babalik din ‘yun.

Nakatulong din daw sa kanyang paggaling ang pag-inom ng hot water with ginger, lemon and honey gayundin ang pag-gargle ng warm water na may asin para mamatay ang virus sa lalamunan.

Pero ang pinakamalaking natutunan daw niya ay magkaroon dapat ng positive attitude at iwasang ma-stress.

“Maghanap kayo ng pwedeng paglibangan, magdasal kayo, mas maraming stress, mas matagal ang paggaling,” aniya.

Sa video ay may binasa si Bitoy na komento ng isang netizen na tila pinupuna siya nang slight dahil sa naging pahayag niya na posibleng sa delivery items niya nakuha ang virus. Hindi raw nilinaw ng singer kung sa item ba nakuha or sa rider ang virus.

Ayon sa nagkomento ay naapektuhan tuloy ang lahat ng deliveries at humina raw dahil sa kanyang sinabi at pinaalalahanan siya na next time ay linawin ang mga pahayag.

Sinagot naman ito ni Bitoy at aniya ay malinaw naman daw ang kanyang sinabi.

“Ang sabi ko, ang duda ko, duda ha, hindi factual. So pwedeng tama, pwedeng mali. Ang duda ko, eh sa deliveries ko nakuha ‘yung virus,” paliwanag ni Bitoy.

Bago raw kasi umabot sa kanya ang deliveries niya ay maraming salin-saling nangyari kaya si­yempre ay hindi niya matutukoy kung saan or kanino talaga nanggaling.

 

 

 

vuukle comment

MICHAEL V.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with