^

Pang Movies

Toni, hindi pa nagsasalita sa isyung nagpabayad ng P20 million last election

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Toni, hindi pa nagsasalita sa isyung nagpabayad ng P20 million last election
Toni Gonzaga

Na-fake news si Toni Gonzaga nang may mag-post na diumano nagpahayag siya ng “I am a supporter of President Duterte for sure, but for a valid reason. I was paid 20 million pesos to endorse him during the last election and I can attest to the fact that there are over a hundred artists alone in the stable of ABS-CBN, who have done the same. “

Pati si Mocha idinamay sa fake news kay Toni at diumano sinabi pa ni Toni na swerte si Mocha dahil bukod sa government position, patuloy na may tinatanggap na pera mula sa gobyerno.

Malinaw na kung sinuman ang nasa likod ng fake news kay Toni, gusto nitong sirain ang TV host/actress at pati na si President Duterte.

Pero kahit mga DDS, hindi naniwala sa fake news dahil hindi magbabayad ng ganu’n kalaking pera ang pangulo para siya’y ikampanya. Sabi ng mga DDS, libre ang mga celebrity na nangampanya noon kay Pres. Duterte. Idagdag pa na hindi nakita ng mga DDS na nangampanya si Toni.

Ganu’n pa man, may kaibigan ang mom ni Toni na tinanong si Mommy Pinty tungkol sa isyu. Ang sagot ni Mommy Pinty, walang ganu’ng pahayag si Toni at mag-i-issue raw ito ng statement tungkol dito. Nagpapatulong din si Mommy Pinty na i-deny ang isyung ito.

Noong araw na lumabas ang fake news kay Toni, sabi ng kanyang ina, nasa taping ito, kaya siguro hindi agad nakapag-react at hindi agad nakapag-issue ng statement.

Anjo, umalis sa Eat Bulaga

Hindi na pala Dabarkads si Anjo Yllana dahil nag-resign na ito sa Eat Bulaga noong August 1. Nag-post si Anjo sa Facebook para ipaalam ang kanyang pagre-resign.

“With a heavy heart... today Aug. 11, 2020... I submit my resignation... thank you Dabarkads... thank you Eat Bulaga... 21 years and it was a blast... Good Bye and all roads to your 50th,” part ng resignation ni Anjo.

Sina Anjo at Jimmy Santos ang hosts ng Sugod Bahay segment ng Eat Bulaga nang matagal at last anniversary na pala ni Anjo sa show ang katatapos na 41st anniversary ng noontime show.

Ngayong wala na si Anjo sa show, abangan natin kung sino ang makakapalit niyang co-host ni Jimmy.

Rocco, tumatak na Wolf

Kabilang si Rocco Nacino sa cast ng Descendants of the Sun na masaya sa pagkakapanalo ng Philippine adaptation ng hit Korean drama na isa sa Most Popular Foreign Drama of the Year sa 15th Seoul International Drama Awards.

Post ni Rocco sa kanyang IG page, “Isang napakalaking karangalan para sa akin na makasama ako sa proyekto na ito. Congratulations team #DotsPh! Salute!- Wolf.”

Diego Ramos ang pangalan ng karakter ni Rocco sa DOTS at “Wolf” ang tawag ng mga kasama. Mabilis na tumatak kay Rocco ang kanyang role at karakter lalo na at may hawig siya sa Korean actor na gumanap sa role niyang si Wolf.

Dahil sa karangalang natanggap ng local adaptation ng DOTS, mas lalo nitong gaganahan ang cast na ituloy ang kanilang training at workout para handa sila kapag nag-resume na ang taping ng series na mukhang malapit na.

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with