^

Pang Movies

Julia inaabangan kung makakabalik sa dating posisyon

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Julia inaabangan kung makakabalik sa dating posisyon
Julia Barretto at Joshua Garcia

Hindi kami naniniwala na ang isang proyekto na magkasamang muli sina Julia Barretto at Joshua Garcia, at pati iyong muli nilang pag-follow sa isa’t isa sa social media ay makapagbabalik sa kanilang loveteam. Hindi rin kami naniniwala na iyan ang makapag-aahon sa career ni Julia.

Hindi naman talaga ang paghihiwalay nila bilang love team ang naging problema eh. Nagkasunud-sunod noon ang mga negative na lumabas tungkol kay Julia.

Una na nga ang issue ng “ghosting,” ang paghihiwalay ng mag-syotang sina Gerald Anderson at Bea Alonzo na sinasabing si Julia ang dahilan.

Walang diretsahang pag-amin ng relasyon nila ni Gerald, pero iyong statement ng tatay niyang si Dennis Padilla, na umamin na sinabi sa kanya ni Gerald na nanliligaw siya ang naging katunayan ng mga bintang.

Kasunod noon iyon namang naging controversy niya laban sa kanyang mga tiyahin, na nauwi pa sa iskandalo habang nakaburol ang lolo niya.

Sa kabila ng lakas ng ABS-CBN noong mga panahong iyon, hindi nila nagawang iahon si Julia, at nakita naman natin na mahina sa takilya ang pelikula nila ni Joshua pagkatapos noon.

Hindi na ba sila nadala? Kung noon na todo-promo sila hindi na kinagat ng tao, ngayon pa kayang tagilid ang kanilang promo sa mga proyekto na lumalabas na lang halos sa social media at iilan-ilan pa?

Parang nakakatakot tuloy ang proyektong iyan kahit na nga sabihing sa internet lang. Kasi kung mababa ang audience share niyan, lalong mababaon si Julia sa project na iyan. Isipin ninyo, kung ang mga ganyang proyekto ng mga lehitimong artista, talunin pa ng audience share noong mga boys’ love series, ibig sabihin wala na talagang pag-asa iyan.

Isipin mo, iyong mga unknown na lumalabas doon sa gay series na kung tawagin ng mga Japanese ay “Yaoi” tatalunin pa ang totoong artista?

Eat Bulaga walang kalaban sa free TV

Lamang pa rin ang Eat Bulaga dahil napapanood pa sila sa free TV, at kung free TV ang pag-uusapan, wala silang kalaban dahil off the air ang ABS-CBN na nasa cable at internet na lang.

Hindi naman lahat naka-cable at hindi rin naman lahat ng cable providers dala ang channel ng ABS-CBN.

Iyon namang mga may edad na, hindi naman marunong sa internet kaya hindi sila manonood gamit ang computer o cellphone.

Pero dahil nga sa limitasyon, dahil sa pandemic, ang Eat Bulaga wala nang content kundi isang dating segment lang nila na pinahahaba na para tumagal nang dalawang oras.

Sa totoo lang, nakakasawa na. Suwerte lang sila dahil ang kasabay nila ay puro na lang announcement ng COVID na ayaw na ring panoorin ng mga tao kaya nagtitiyaga pa sa kanila.

Angel at Neil, iisa na ang manager

Ang daming nagtatanong tungkol sa bagong managers ni Angel Locsin na hindi raw nila kilala. Ang Co Star Talent Management ang humahawak ng career ng mga social media influencer. Kasama rin sa kanilang iwinelcome ang boyfriend ni Angel na si Neil Arce, na sila na rin ang managers ngayon.

Ang namumuno niyan ay si Patricia Co Keng, na sa pagkakatanda namin kung tama kami, ay ginawang youth commissioner ni Presidente Digong.

Anak din siya ng negosyanteng si Wilfredo Keng na naharap naman ng kaso laban kay Maria Ressa ng Rappler.

Siguro nga, ang talent management firm ay umuusad na rin para pasukin ang mainstream na show business kaya tinanggap nila si Angel. Ang dating manager ni Angel ay si Malou Santos.

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with