^

Pang Movies

Mga bida ng DOTS, malabong makabiyahe sa Korea

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sayang at dahil sa dinaranas nating CO­VID-19 pandemic, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo, walang chance na pumunta ang lead stars na sina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith, ng Pinoy adaptation ng K-drama na Descendants of the Sun ng GMA Entertainment Group para tanggapin nang personal ang award nilang Most Popular Foreign Drama of the Year mula sa 15th Seoul International Drama Awards.

Gayunpaman, gaganapin pa rin ang festival sa September 10, sa MBC Media Center Public Hall, pero wala itong audience. 

Malabo pa rin naman kung allowed na kasing pumunta sa South Korea ang mga taga-ibang bansa.

EA, nakahanap ng negosyo habang quarantine

Inamin nina Kapuso actors Benjamin Alves at Edgar Allan Guzman, nang mag-guest sila sa Mars Pa More na GMA morning show nina Camille Prats at Iya Arellano, na iniiwasan nilang talunin sila ng anxiety dahil sa pandemyang pinagdaraanan natin ngayon.

Hindi pa raw tuluyang nagsi-sink in kay Benjamin ang sitwasyon sa simula ng quarantine period at masaya pa siyang nanonood ng mga drama sa TV. 

“Pero ngayon lamang ako nagkaroon ng anxiety dahil hindi na ako nakakalabas. Dati nalilibang ako dahil marami namang pwedeng panoorin, marami ring pwedeng gawin, pero ngayon parang nauubos na ang pinapanood ko at ang pwede kong gawin. Pero hindi ako nagpatalo, later on nasanay na rin ako at na-handle ko na ang situations.”

Si EA naman, kuwento niya ay hindi niya naiwasang makaranas ng paranoia sa mga unang araw ng quarantine, pero kalaunan nalabanan din niya. 

“Nung first month ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), medyo kinakabahan ako for me and for my family, siyem­pre, nakakapraning din, pero later on, nagawa kong ibaling sa iba ang isip ko. Nabalingan ko ang mag-aral magluto, nakialam ako sa mom ko sa kusina.  Kapag nagluluto siya ng lunch or dinner, nagpapaturo ako, mula sa mga ingredient na gagamitin at kung paano ito iluto.  Ngayon nga ginawa ko nang negos­yo ang niluluto kong Adobong Tuyo ni Mommy Sarrie, at natuwa naman ako kasi tinangkilik agad ito ng customers.  Pero ngayon kailangan na nilang magpa-reserve para mai-deliver sa kanila ang order nila on time.”

vuukle comment

DINGDONG DANTES

JASMINE CURTIS-SMITH

JENNYLYN MERCADO

ROCCO NACINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with