^

Pang Movies

Willie, inakusahang mayabang sa pagtulong sa drivers

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Willie, inakusahang mayabang sa pagtulong sa drivers
Willie

Natawa naman ako sa issue ng P5-M na binigay ni Willie Revillame sa jeepney drivers.

Sabi ng Rappler pagyayabang daw ito sa parte ni Willie.

Sa panahong ito na dapat tulungan ang lahat ay dapat pa bang tawaging pagyayabang ang kahit anong tulong na puwede mong ibigay?

‘Yung binigay ni Willie galing sa sponsors niya na idinaan sa kanyang programa ang tulong. Mabuti nga at ang isang programa na Tutok to Win ay binibigyang tiwala para maging daan ng pagtulong sa mga kapus-palad.

Siguro nga kayabangang matatawag na ang laki ng naibigay mo dahil ang laki nang binigay ng sponsors at salamat dahil aminin natin, ang pinakahirap sa panahong ito ay ang drivers na namamalimos na sa hirap.

Kung pagyayabang iyon sa parte ni Willie, ok lang, tatanggapin ko na basta may naitulong at tumutulong. Kesa naman panay ang banat natin, wala naman tayong ginagawa para makatulong.

Nega na ang paligid, dinadagdagan pa natin, kaya pati utak ay pinapasok ng COVID-19 kasi nga hindi na lang magandang tingnan, lahat ng masama naa-absorb natin. Naku at least, hindi na magugutom ang drivers.

Pasalamat tayo sa sponsors ni Willie Revillame.

‘Sen. Bong, pagaling ka’

Dahil sa rami ng mga pumupuntang tao na kailangan nilang asikasuhin kaya tuloy hayun, tinamaan na rin ng COVID-19 si Sen. Bong Revilla.

Talagang sobrang scary na ang sakit na ito, basta tumatama na lang kahit anong ingat mo. At totoo nga na ang pinaka-efficient ways para maiwasan ay social distancing at face mask na ngayon ay kailangan na ring salihan ng face shield.

Talagang ang physical contact ang dapat iwasan na hindi naman puwedeng mangyari kung isa kang public official, lalo na ngayong pandemic na ang daming humihingi ng tulong.

Sana naman tulad ng mga dumapo kina Sen. Sonny Angara, Migz Zubiri at Koko Pimentel na mild cases ng COVID-19 ay ganoon din ang dumapo kay Bong. Fit naman at healthy si Senator Bong kaya tiyak kaya niya ang kaso ng COVID-19.

Kaya mahirap din ang kaso ng mga pulitiko, talagang nasa gitna sila ng sakit at hindi maiiwasan na talagang dapuan sila.

Pagaling ka Bong, kailangan ka ngayon diyan sa Cavite, kung saan tumataas din ang kaso na tinatamaan ng virus.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with