^

Pang Movies

Sarah at Matteo, nagpa-conservative kahit nasa isla

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Hindi pa rin pala nag-swimsuit si Sarah Geronimo sa honeymoon nila ni Matteo Guidicelli sa Amanpulo, Palawan.

Sa mga lumabas na litrato ng mag-asawa habang nasa kanilang honeymoon, rash guard ang suot ni Sarah at hindi swimsuit. Ini-expect pa naman ng fans ni Sarah na for the first time, makikita nila ang singer-actress na naka-swimsuit.

Kahit one piece swimsuit, okay na sa fans ni Sarah, pero hindi nangyari ‘yun, hindi nila nasilayan ang hugis ng katawan ng idolo dahil rash guard nga ang suot.

Sabagay, si Matteo rin naman hindi swimming trunk ang suot kundi board short, kaya bagay nga silang dalawa.

Inisip na lang ng AshMatt fans na nag-swimming trunk at swimsuit din ang mag-asawa at kung may litrato man sila ay hindi na inilabas online, for their eyes only na lang.

Speaking of Matteo, siya ang host ng competition kung saan may akusasyon ng plagiarism sa winner na si CJ Villavicencio sa The Pop Stage na sponsor ng Popeyes. Co-sponsor ang Viva Artists Agency at kabilang sa prize ay kontrata sa VAA at P1M cash.

Bilang host, inaabangan din ng netizens ang magiging pahayag ni Matteo sa isyung ito kahit nag-issue na ng statement si CJ na wala siyang intensyong manloko.

Prima Donnas replay muna pagbalik

Sa August 17 ang in-annnounce na petsa ng GMA-7 na pagbabalik sa ere ng Prima Donnas, pero parang hindi fresh episodes ang mapapanood dahil hindi pa rin nagre-resume mag-taping ang cast. Ang sabi sa plugging, “balikan ang mga eksenang iniyakan, tinawanan, at inabangan.”

Ito rin ang nabasa namin director Gina Alajar, magbabalik na nga ang hit Afternoon Prime, pero ‘yun nga, ang mga naunang episodes ang ilalabas.

Baby Tali, inunahan si Jose Mari Chan

Nakakatuwa ang post ni Pauleen Luna na video ng anak nila ni Vic Sotto na si Tali habang kumakanta ng Santa Claus Is Coming To Town.

Nag-sorry si Pauleen dahil inunahan daw ni Tali si Jose Mari Chan na unang naririnig na kumakanta ng Christmas song pagdating ng September 1.

Marami ang natuwa kay Tali at kita ito sa 110,450 likes at 2,567 comments. May kasamang adlib ang pagkanta ni Tali, kaya nakakatuwa.

Samantala, sa August 15 na nga ang premiere ng morning show nina Pauleen at Pokwang with Ria Atayde na Chika Besh!

May nagtanong lang kung ang ibig bang sabihin, hindi na lalabas sa Eat...Bulaga si Pauleen dahil kung morning show ang show nila ni Pokwang, noontime naman ang EB.

Sabagay, magkaiba namang network ang TV5 at GMA-7, kaya puwedeng sa magkasunod na oras siyang mapanood.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with