^

Pang Movies

Pagbabalik ni Richard, wala masyadong dating

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Halatang kulang sa excitement ang fans ni Richard Gutierrez sa pagbabalik Kapamilya sa pamamagitan ng teleseryeng Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Hindi daw sila excited dahil sa YouTube lang ito naipapalabas at hindi sa TV na big screen.

Sayang matagal pa namang hinihintay ang pagbabalik niya buhat noong huli siyang mapanood sa La Luna Sangre.

Nagko-complain yung iba kung paano raw nila mapapanood ang Ang Probinsyano kung wala namang YouTube ang cell phone nila. Take note, hindi lahat ay may cell phone para makapanood ng pagbabalik ng Ang Probinsyano sa ere.

John, inulan ng tulong nang lumala ang lagay

What a coincidence, dalawang babae na nagkarelasyon kay John Regala ay may kaparehong kapangalang artista na sina Kongresista Vilma Santos, isang entertainer sa Japan at isang Gina Alonzo na sikat din noon sa premiere production.

Teka raw sabi ng isang netizen kung kailan pa mabigat ang karamdaman ni John Regala ay saka naman umagos ang pagdamay ng mga kapatid sa showbiz.

Noong araw na hirap na hirap ito ay walang nagbibigay ng tulong sa actor tulad ng pagbibigay trabaho sa pelikula, subalit awa ng Diyos, through Manay Aster Amoyo, Nadia Montenegro at Raffy Tulfo ay sunud-sunod ang pagdating ng ayuda.

Maraming salamat daw sabi ni John dahil totoo yung sinabi niyang kapag pala hindi na sikat ang isang artista at walang pera ay isa-isang lumalayo. Mistulang may sakit daw na COVID, well, that’s life.

Sa showbiz pa, what can you expect sa daigdig ng pagkukunwari?

Mga nangangarap mag-artista at sumikat, nawalan ng pag-asa

Boses ng isang nanay ang narinig naming nagtatanong kung paano pa raw kaya matutupad ang pangarap ng kanyang mga anak na mag-artista at maging sikat na singer ngayong pinatay na ng 70 kongresista na ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN?

Wala na rin ang Tawag ng Tanghalan na maraming pinasikat at kumita ng pera.

Paano pa ngayong gumuho na ang mga panga-rap ng mga ito? Matutulungan kayang mabigyan ng trabaho ng 70 kongresista ang mga nawalan ng trabaho sa ABS-CBN?

Lord, bahala ka na po sa kanila lalo na ngayong may COVID pang umaatake sa bansa.

Allen Dizon, malayo na ang narating

Tama ang hula ni late award winning director Celso Ad Castillo kay Allen Dizon na malayo ang marara-ting ng actor sa pag-arte.

Nakakuwentuhan kasi namin noon si direk Celso sa Siniloan, Laguna sa shooting ng Virgin People 3. Ngayon ay ilang award na ba ang natanggap ni Allen na ang iba ay sa ibang bansa pa.

May movie siyang Latay kasama sina Snooky Serna, Lovi Poe at Mariel de Leon. Inaasahang muli itong magkakaroon ng award sa nalalapit na competition.

Congrats, Allen Dizon.

Birthday greetings to August-born celebrants, Derek Ramsay, Aga Muhlach, Miggs Cuaderno, Philip Salvador, Sen. Lito Lapid and Mother Lily Monteverde.

vuukle comment

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with