^

Pang Movies

Dalawang negosyo ni Jennylyn, luging-lugi

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Dalawang negosyo ni Jennylyn, luging-lugi
Jennylyn

Kahit worried si Jennylyn Mercado sa kasalukuyang nangyayari sa dalawang businesses niya, ang kanyang spa-salon na Fit and Form Club at cat café na  Litterbucks, because of the existing pandemic, ‘di siya makapag-decide kung dapat bang tuluyan na niyang isara ang mga ito.

As it is, pag-amin niya, halos wala na siyang kinikita, dala nga ng existing pande­mic. Kaso, inaalala raw niya ang kanyang mga empleyado, na tiyak mawawalan ng trabaho.

Eh, alam daw niyang karamihan sa mga ito ay breadwinner ng kani-kanilang pamilya. Kaya, hangga’t kaya raw niya, tumatanggap pa rin ang mga ito ng kaukulang suweldo.

“Ipinauubaya ko na lamang sa Kanya, kay Lord, kung ano ang dapat kong gawin.

“Sana nga, matapos na ang pagsubok (the coronavirus) na ito,” dugtong pa ni Jennylyn.

Alessandra takot mag-quarantine

Problema, on the other hand, ni Alessandra de Rossi ang nalalapit nang pagsimula ng kanyang bagong project for Viva Entertainment.

Kung sabagay daw, sa October pa naman.

But at the rate nga raw the existing pandemic is going, baka matagalan bago, wika nga, “mamaa­lam” ito.

Eh, takot daw siyang magtrabaho at baka raw siya magkasakit.

Just the idea raw na dahil sa pagkakasakit ay ma-isolate siya for almost a month already give her the creep.

Nonetheless, excited daw siya sa nalalapit na panganganak of her older sister, Assunta de Rossi, who is finally giving birth two months from now with her first child with Jules Ledesma, after 16 years.

Babae ang magiging first-born ni Assunta.

Karla, aliw kay Kathryn

Obvious, when Kathryn Bernardo guested in Magandang Buhay, which Daniel Padilla’s mom, Karla Estrada, co-host niya sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal na fond na fond siya sa dalaga.

Six years na rin palang magkarelasyon sina Daniel at Kathryn.

In two or three years daw, balak ng dalawa na magpakasal.

May sarili nang ilang negosyo si Kathryn, kabilang na ang KathNails, na ang specialty ay pagma-manicure at located sa isang kilalang mall.

Robin gusto na ring magsaka

Baka sumabak na rin sa pagsasaka si Robin Padilla, tulad ng kanyang kapatid na si Rommel (Padilla), dad ni Daniel Padilla.

May malaking lupain daw sa Nueva Ecija, which the provincial government, is willing na “magamit” ni Rommel to help farmers there to produce more food craft. May knowledge pala sa farming si Rommel.

Rommel is currently busy with the action series, A Soldier’s Heart na napapanood sa Kapamilya Channel.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with