^

Pang Movies

Kris, puno ng energy

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kris, puno ng energy
Kris

You really know that Kris Aquino is back dahil laging may ingay basta nandiyan siya.

Tingnan mo nga at halos lahat ng sabihin niya worthy ng frontpage story, at lagi na meron siyang mga colorful sound bites na talagang hinihintay ng showbiz press.

Gaya ng comment niya sa divorce, iyon wish niya maging President one day, iyon puwede sila magsama sa project ni Willie Revillame, and other issues na talagang very exciting basahin.

Sana nga ay maging hit ang bago niyang talkshow dahil wala naman talagang tatalo kay Kris pagdating sa ganitong genre ng show.

At ang maganda pag kaya ng mga guest niya na makipagsabayan sa kanya dahil kung hindi talagang mawawala ka dahil sa husay ni Kris magdala ng conversation.

Well, sa tagal ng pahinga ni Kris Aquino, grabe tiyak ang energy niya pagharap sa camera.

Hay naku, the long wait is over, hayan na si Queen Kris. She is back.

Mga kriminal wala nang kinatatakutan

Bakit parang ang violent naman ng mga krimen ngayon? Like iyon isang babae na itinulak palabas ng kotse at binaril, iyon isang lalaki na itinali sa poste at pinatay, at sa mga crowded place nangyayari, kung saan maraming nagdaraang sasakyan at mga tao.

Bakit parang hindi na takot ang mga kriminal eh nagkalat ang militar at police? Meron na bang to your face attitude ang mga kriminal na para bang naghahamon sa batas na tingnan ko nga kung mahuhuli n’yo kami?

Para naman nakakatakot pag nagkaroon ng ganuon attitude ang mga kriminal na parang walang takot. Kaya mas kailangan pa siguro na mas ma­ging mahigpit ang ating mga pulis dahil nga nagkalat pa rin ang mga parang sira ulo sa paligid.

Meron na ngang COVID-19 meron pang mga mamamatay tao, saan ka pa pupunta para magtago.

Naku dapat talaga hindi lang higpit, meron din dapat na ilagay na takot sa mga utak ng mga ito kaya palagay ko tama ang death penalty. Tiyak na kahit paano matatakot sila.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with