^

Pang Movies

Donita tuloy ang pagbalik sa Amerika

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Donita tuloy ang pagbalik sa Amerika

Ang saya lang, Ateng Salve, ng pa-despedida get-together ng Momshies group nina Ruffa Gutierrez, Karla Estrada, Sunshine Cruz, Jackie Forster at Vina Morales para sa friend nilang si Donita Rose.

Sa August 19 na nga magma-migrate sa San Francisco, California si Donita, kaya ang Momshies group niya ang isa na sa mga naunang nagbigay ng despedida for her.

Noong Friday ‘yon ginawa at sobrang enjoy sila.

Kuwento ni Ruffa, nag-swimming sila sa bahay ni Vina at nag-sing-along pa.

‘Kaaliw nga si Ruffa dahil kahit wala sa tono, todo-sing siya, pati na rin si Donita na like her ay parang nasa malayong lugar ang mga boses nila, huh!

Hahaha!

Masaya ang despedida na ‘yon, pero siyempre, pare-parehong sad sina Ruffa, Karla, Sunshine, Jackie at Vina dahil aalis na nga si Donita.

Nang makausap ko nga si Ruffa late that night, sinabi niyang mami-miss niya si Donita, pero puwede rin naman daw siyang dumalaw sa kaibigan sa California kapag ok na ang lahat at wala na ang COVID-19 pandemic.

That night nga pala ay halos walang tulog si Ruffa dahil aalis daw siya ng bahay ng 5:30 a.m. dahil may flight siya pa-Balesin Island.

Noong Saturday morning naman ay stressful siya dahil late raw sila nakapunta sa hangar at, “We almost missed our flight to Balesin!”

Well, what’s new with Ruffa naman, madalas naman siyang maiwan ng kanyang flights. Hehehe!

Anyway, kahapon naman ay ka-text ko si Donita at sinabing, “I’m moving back to the US na. Leaving August 19 na.   I’ll be in San Francisco muna with JP (anak niya),” sabi niya.

So, hindi talaga sila doon mag-i-stay?

“For now, until I can get established,” sabi niya.

Ang mother daw niya na si Evelyn Cavett ay palipat sa isang bagong bahay sa Las Vegas, Nevada at may room daw sila doon ng kanyang anak, pero mas gusto raw niya sa San Francisco sila.

Tungkol naman sa pa-despedida ng Momshies sa kanya, sinabi ni Donita na, “Super laugh trip. Ang saya!”

Bagong Darna ka-join KC napaiyak sa show ni Luchi, Karen mapapanood sa TV5

Alam mo ba, Ateng Salve, hindi lang pala si Karen Davila ang nag-guest sa pilot telecast ng Usapang Real Life (URL) ni Luchi Cruz-Valdes sa TV5.

Tiyak daw na pag-uusapan ang pilot telecast ng magazine show na ‘yon ng TV5 News and Public Affairs chief dahil mapapanood din doon ang ABS-CBN stars na sina KC Concepcion at Jane de Leon, huh!

Bale Zoom app interview lang daw ‘yung kina KC at Jane at hindi nagpunta ang dalawa sa house ni Ms. Luchi (doon ang location ng show niya).

Si KC daw, sa Cornerstone ipinagpaalam ang guesting at dapat daw abangan talaga dahil naiyak pa raw ang panganay ni Sharon Cuneta sa interbyu sa kanya ni Ms. Luchi, huh!

Pinilit kong usisahin si Ms. Marge Natividad na executive producer ng show kung bakit napaiyak si KC, pero abangan na lang daw ang pilot ng Usapang Real Life (URL) on August 15, 9:00 p.m.

“Surprise! Basta she feels alone raw,” sabi pa ni Ms. Marge.

Si Jane naman daw, pinagpaalam nila sa manager ng dalaga (mukhang ‘yung co-manager ng Star Magic sa career ng new Darna).

“Tinuruan ni Jane si Ms. Luchi sumayaw ng Black Pink dance. Hahaha! Ang cute,” kuwento pa ni Ms. Marge.

Aba, ang bongga rin ng show na ‘yon ni Luchi sa TV5, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

DONITA ROSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with