^

Pang Movies

Kris, Korean ang peg sa bagong show

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Kabilang sa mga nag-congratulate kay Kris Aquino sa sisimulan niyang talk show sa TV5 na Love Life with Kris ay si Jolina Magdangal, isa sa hosts ng  Magandang Buhay ng Kapamilya Channel na pumalit sa show ni Kris sa ABS-CBN.

Nag-congrats din si Melai Cantiveros, pero sinabihan siyang plastik ng isang follower ni Kris. Sabi pa ng netizen, natuto na si Kris kina Melai.

Pero wala kaming nabasang congratulatory message mula kay Karla Estrada.

Ang daming Kapamilya stars na bumati kay Kris sa bago niyang show na magpi-premiere sa August 15, 5pm. Nabasa namin ang mga pangalan nina Anne Curtis, Kim Chiu, Iza Calzado, Angel Locsin, ­Erich Gonzales, KC Concepcion, Mariel Rodriguez, John Prats, Cherry Pie Picache, Dimples Romana, Miles Ocampo, Jaya, Erik Santos, pati ang sikat na writer na si Kevin Kwan at kasama na ang director ng Love Life with Kris na si Gab Valenciano.

May netizen na nag-comment na parang inspired sa Korean drama na Misty ang teaser ni Kris sa kanyang show from the hairstyle at pati raw sa outfit. Mala-Kim Nam-joo raw ang dating ni Kris na sinagot ni Kris ng “maraming K drama ang nag-inspire (ang bilis ng mata mo!).”

AiAi bibigyan ng ayuda ng anak

Very proud si Ai-Ai delas Alas sa anak na si Niki delas Alas na nagsabing padadalhan siya ng pera. Pinost ni Ai-Ai ang palitan nila ng message ng anak na kaya raw magpapadala ng pera ay para may makatulong kay Ai-Ai.

Sa sinabi ni Ai-Ai na mas kailangan ni Niki ang pera dahil mag-isa ito sa Amerika at baka magutom, ang sagot, sanay siya sa fasting kaya hindi siya namomoroblema sa gutom.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with