^

Pang Movies

KC comfortable na walang trabaho

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
KC comfortable na walang trabaho
KC

Isa pa na sana mabigyan ulit ng show sa TV ay si KC Concepcion.

Ang tagal na rin nang huli siyang mapanood at kahit naman anong sabihin, sure ako na meron pa rin fans si KC.

Kasi nga ay comfortable sa buhay niya, kaya wala siguro iyon strong motivation to work.

Pero kahit paano, iyon artistic juice niya may panahon na very hungry at gustong ma-utilize.

Sayang ang talent ni KC na mahusay ding host dahil very articulate, college graduate, well travelled, at very knowledgeable.

Siguro nga , hindi pa siya sawa sa buhay niya na walang pressure, travel lang nang travel, observing the world around her.

Baka lang pag gusto na niya, wala na iyong opportunities na nasa harap niya ngayon.

Sana nga, mag-focus na si KC kung ano ang talagang gusto niya.

Pilipinas bagsakan na nga ng mga droga

Pag nagbabasa ako ng diyaryo, nanonood sa TV, nakikinig sa radyo at ang balita tungkol sa napakaraming drugs o droga na nahuhuli, naiisip ko na tama si Sen. Panfilo Lacson sa sinabi niya na ang Pilipinas na ang ginagawang bagsakan ng bawal na gamot.

Totoo nga na siguro dahil mas relax ang law natin kung kaya hindi takot ang mga drug dealer na dito dalhin ang mga droga.

Iyon bang dahil mahigpit at may death penalty sa ibang Asian countries pagdating sa kaso ng drugs kaya mas takot sila.

Imagine, sa plane, sa barko, at mga sasakyan na tambak ang nakukuhang drugs, ibig sabihin ganun karami.

Saka iyon mga foreigner na nahuhuli na may dala ng mga ito papasok sa bansa, walang takot. Iyon siguro ang dahilan kaya isinusulong ang death penalty para sa mga drug dealer. Para magkaroon ng takot. Saka totoo naman na iyon mga gruesome crimes, mga krimen hindi puwedeng gawin ng nasa matinong isip kundi ng isang tao na under the influence ng droga lang ang makakagawa kaya dapat talaga mas matindi ang parusa sa kanila.

Naku sige, mawala lang ang droga, ok na ako sa death penalty. Sana lang talagang mabawasan na ang heinous crimes, sana matapos na rin iyan tambak na droga na nakakalat dito sa bayan natin.

Ipakain kaya iyan kay coronavirus, baka sakali mahilo at ma-dead para wala nang COVID-19.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with