^

Pang Movies

Toni nagbebenta ng kama

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Toni nagbebenta ng kama
Toni

Uy nagbebenta ng kama si Toni Gonzaga.

At more than half sa original price ha.

Baka nga nagbabago ng mga gamit sila sa Toni sa bahay. “This queen size bed needs a new master. I’m letting it go for 50k. Original price is 120k. It comes with the headboard, two installed lamps, two side drawers and queen size mattress. Pls text if you’re interes­ted. +63 920 559 6342.”

Korean movie bumida sa pagbubukas ng ibang sinehan

Ang Korean movie na Peninsula, ang sequel ng Train to Busan, ang opening salvo ng mga nagbukas na sinehan sa probinsiya kasama na ang drive-in cinema sa Pampanga ng isang sikat na mall chain.

Wala nga lang balita kung anong nangyari kahapon dahil masama ang panahon, medyo may kalakasan ang ulan though regular holiday para sa Eid’l Adha.

Ayon sa lumabas na reports, less than 100 cars ang kayang i-accommodate ng kauna-unahang drive-in cinema sa bansa matapos itong payagang mag-operate ng Inter-Agency Task Force (IATF). Limited daw sa 2 hanggang 4 persons ang allowed sa isang kotse.

Kapamilya, digital na

Mag-uumpisa na ngayong Sabado ang Kapamilya Online Live ng ABS-CBN sa YouTube at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Bukod sa libre at walang subscription fee na kailangang bayaran, mae-enjoy ang panonood sa Kapamilya Online Live dahil parehong classic Kapamilya shows at bagong episodes ng mga ipapalabas nito.

Makakahabol din ang mga nananabik ng pinakahuling episodes dahil gagawing available ang mga ito sa susunod na 24 oras pagkatapos nilang ipalabas nang live.  

“Ang Kapamilya Online Live ang pinakabagong tahanan ng mga palabas na na-miss at minahal ng mga Pilipino. Isa lamang ito sa mga paraang ginawa ng ABS-CBN para patuloy na makasama ang mga Pilipino at makapaghatid ng entertainment sa kabila ng pagtanggi sa application ng aming prangkisa,” sabi ni Cory Vidanes, chief operating officer of broadcast ng ABS-CBN.

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with