^

Pang Movies

Glaiza aminadong nababaliw sa nangyayari sa mundo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Glaiza aminadong nababaliw sa nangyayari sa mundo
Glaiza

Deleted na ang tweet sa Twitter ni Glaiza de Castro kung saan, inaway siya ng isang netizen at hindi na rin pinatulan ng aktres ang pang-ookray sa kanya na sabi, galing lang sa iisang tao.

Hindi rin malinaw kung ano ang ikinagalit ng netizen kay Glaiza, basta nag-tweet na lang ng negative comments.

Ang hindi matanggap ng fans ni Glaiza ay nang tawagin itong malandi at ang pinakagrabeng ginawa ay idinamay ang boyfriend ni Glaiza na si David Rainey.

Nasa Ireland ba o England si David at walang kamalay-malay na mayroong may galit sa kanya sa Pilipinas at tinawag itong “demonyo” at “virus.

Matagal nag-stay sa bansa si David at kasama pang na-lockdown sa Baler, Quezon at marunong na ito ng konting Tagalog at tiyak, naintindihan ang ibig sabihin ng demonyo.

Ang sabi na lang ni Glaiza, “Aware ako sa mga tweets against me pero wag nating hayaang ikalugmok natin yun. Mahirap pero dun masusukat ang lakas mo.”

Inintindi rin ni Glaiza ang kanyang basher at ang sabi, “Baka naghahanap lang din sila ng release, kasi nakakabaliw naman talaga ang nangyayare sa mundo. Nataon lang na ako o kung sino man dito sa Twitter ang napagdiskitahan.”

Samantala, bongga si Glaiza dahil napapanood sa Afternoon Prime at Telebabad ng GMA-7 ang rerun ng Stairway to Heaven sa hapon at Encantadia sa gabi na pareho siyang kasama.

Sharon tuloy ang pagtulong sa maliit na negosyante

Pinasalamatan si Sharon Cuneta ng fans nila ni Gabby Concepcion dahil naalala ang 39th Anniversary ng first movie nilang Dear Heart. 

Samantala, tuloy ang pagtulong ni Sharon sa mga may small food and non-food business by posting and promoting their products.

Malaking tulong ang ginagawa ni Sharon at ng iba pang celebrities sa kanilang pagpo-promote.

vuukle comment

GLAIZA DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with