^

Pang Movies

Luis at Jessy, Luis at Jessy, pakakasal na?!

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Luis at Jessy, Luis at Jessy, pakakasal na?!
Luis at Jessy

Every year ay nababalitang ikakasal na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Na ikinatutuwa ng Vilmanians dahil pakiramdam nila ay  magkakaroon na rin sa wakas ng apo ang Star for All Seasons at Congresswoman Vilma Santos.

Pero parati namang walang nangyayari at lumalabas na fake news pala. Subalit ngayon mukhang totohanan na raw.

Nasa edad na sina Lucky at Jessy, it’s about time na humarap na sila sa dambana.

Teka, engaged na ba sila? O baka naman nililihim lang nila.

MMFF entry ni Vice, saktong pang good vibes

Kinukuwestyon ang pagpasok ng entry ni Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival 2020 na siyempre ay hindi pa naman natin alam kung matutuloy.

Bakit daw nakalusot ang movie ni Vice gayung marami pang magandang entry na tapos na.

Sa totoo lang kailangan talagang may comedy ngayong MMFF. Sa bigat ng problema natin lalo’t taghirap.

Kailangan may katatawanan at hindi pulos  dramatic at kabaklaan dahil kung ganun bibigat lalo ang dibdib ng mga manonood.

Magikland, handa nang ipalabas

Magandang balita ring official entry ang movie ng child actor na si Miggs Cuaderno at Elijah Alejo, ang pelikulang Magikland, together with Jun Urbano.

Nagbibinata na si Miggs, halatang may crush siya sa kaparehang si Elijah na Kapuso star, na alaga noon ng nasirang si direk Maryo delos Reyes.

Nora panay ang ayuda

Tahimik lang ang superstar na si Nora Aunor, pero marami siyang natutulu-ngan ngayong panahon ng pandemic, kabilang na ang ibang reporters na naging kaibigan na niya.

SONA walang fashion show

Malungkot ang nakaraang State of the Nation Address dahil wala ang pinag-uusapang fashion show ng mga asawa ng mga kongresista.

Hindi nila nai-display ang mga terno at mga overacting nilang outfit.

Ayaw ng COVID ng payabangan, pasikatan, mga maaarteng gustong mapansin.

Hipon, nagkalagnat sa flu vaccine

Umiiyak si Herlene ‘Hipon’ Budol, ang seksing Wowowin co-host noong pauwiin ni Willie Revillame kahit nakaayos na ang ipangsasayaw na damit.

May lagnat pala si Hipon kaya ayaw ni Willie na sumali pa sa programa nila. Baka raw makahawa pa ng iba. First time daw magkaroon ng flu vaccine ni Hipon kaya nilagnat.

Naku nakakatakot palang magpa-iniksyon.

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with