^

Pang Movies

Alden nakatikim ng bashing sa pamamahinga

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden nakatikim ng bashing sa pamamahinga
Alden

Nakatikim na naman ng bashing si Pambansang Bae Alden Richards sa mga walang magawang fans, dahil lamang absent siya last Wednesday kaya hindi siya napanood sa live edition ng Eat Bulaga.

Nagpahinga lamang si Alden dahil nagkasunud-sunod ang work niya this week, na pagkatapos ng live episode ng EB, magti-taping siya, nasasabay pa ang photoshoot at TVC shoots, ganoon din ang virtual launch ng Century Tuna with Nadine Lustre, ay nag-game streaming pa siya. Kaya nag-zoom na lamang si Alden sa pagbati ng 41st Anniversary ng Eat Bulaga kahapon, July 30.

By the first week of August, magsisimula na si Alden sa taping ng miniseries niya na ipu-produce ng GMA Productions, ang film arm ng GMA Network, at ipalalabas ito sa GMA-7 Digital.  Soon ay magti-taping na rin si Alden ng Centerstage na siya ang host.

Glaiza hanggang Zoom muna sa BF

Simula pala nang mag-lockdown last March, hanggang ngayon ay nasa kanilang vacation house pa rin si Glaiza de Castro, sa Baler, Quezon.  Sinusulit daw nya ang mga araw niya sa kanilang beach house. Kaya lahat ng work niya ay through virtual na lamang niya ginagawa, since iyon naman ang uso ngayon sa new normal.

Kaya ipinasilip ni Glaiza ang rooms at amenities  ng kanilang bed and breakfast na tinawag nilang Casa Galura (real surname ni Glaiza).

No problem din kay Glaiza na nasa Ireland ang boyfriend dahil pwede silang mag-usap by Zoom app.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with