^

Pang Movies

Tonton at Glydel bawal magsabay sa trabaho

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Tonton at Glydel bawal magsabay sa trabaho
Tonton at Glydel

Kung ang actor na si Tonton Gutierrez lamang ang masusunod, gusto niyang magtapos muna sa kanilang pag-aaral ang dalawa nilang anak na parehong babae ng wife niyang si Glydel Mercado na sina Aneeza (16) at Aneeka (8) tulad ng pinsan nilang si Janine Gutierrez, panganay na anak ng estranged couple na sina Ramon Christopher (Monching) at Lotlot de Leon bago mag-showbiz.  Pero pumapayag naman si Glydel  na mag-showbiz ang mga ito during school breaks para hindi apektado ang kanilang pag-aaral.

Sa nakaraang lockdown, aminado ang mag-asawa na super-bonding umano sila kasama ang dalawa nilang anak.

Dahil sa new normal situation, karamihan ng mga TV and movie production ay naka-lockdown sa isang lugar ng tatlong linggo hanggang isang buwan kaya hindi umano puwede silang magsabay ni Glydel na tumanggap ng proyekto.  Kailangan na ang isa sa kanya ay nasa bahay kasama ang dalawa nilang anak.

Si Tonton ay bahagi ng isang bagong teleserye sa Kapamilya Channel, ang Walang Hanggang Paalam kung saan tampok na mga bituin sina Angelica Panganiban, Paulo Avelino at Arci Muñoz. 

Super Tekla, napaoperahan na ang anak na walang puwet

Nagpapasalamat ang comedian-host na si Super Tekla (Romeo Librada) sa lahat ng tumulong para maitawid niya ang operasyon ng kanyang one-month old son na si Baby Angelo na isinilang na may anorectal malformation o walang butas sa puwet. Bukod sa TV host-producer na si Willie Revillame, tumulong din ang kanyang mga kasamahan sa Kapuso Network na nagsagawa ng online fundraising concert for Baby Angelo maging ang pagkaka-auction ni Lovely Abella (ng Bubble Gang) ng kanyang mga branded luxury bag. Dahil naka-suspend ngayon ang taping ng The Boobay and Tekla Show at GMA at sarado na ang mga comedy bars, walang napagkunan si Super Tekla para sa operasyon ng kanyang anak.

vuukle comment

TONTON GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with