^

Pang Movies

Liza napa-‘ouch’ kay Aljur

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Napa-“ouch” si Liza Soberano sa pahayag o paliwanag ni Aljur Abrenica kung bakit siya hindi naging vocal sa pagsuporta na magkaroon ng bagong prangkisa ang home network nilang ABS-CBN. Hindi na kinailangan ang mahabang salita ni Liza, sapat na ang “ouch” para iparating ang reaction niya sa paliwanang ni Aljur.

This time, si Aljur naman kaya ang mapa-“ouch” dahil sa matapang na pahayag ni Keiko Aquino, head writer ng ABS-CBN na “Hindi ka na nga magaling, sana naging mabuti ka na lang.”

Ayun, nag-react na ang netizens sa statement na ito ni Keiko at ang paniwala nila, hindi na dapat sinabi ni Aljur ‘yun at sana, tumahimik na lang ang aktor. Para raw nilaglag ni Aljur ang kanyang nanay kasi takot siya sa tatay niya na ang tinutukoy na tatay ay si Robin Padilla.

May dagdag pang comment na mas maga­ling kay Aljur umarte ang kapatid niyang si Vin Abrenica gayung huli itong pumasok sa showbiz.

Bianca protektado ni Ruru

Mababasa ang mga comment ni Ruru Madrid na “You are beautiful inside and out,” at “I’ll always take care of you” ang mababasa sa isang post ni Bianca Umali sa Instagram. Ito ay pagkatapos ma-bash si Bianca dahil sa picture na pinost na hindi nagustuhan ng netizens.

Red heart emoji at IG account lang ni Ruru ang sagot ni Bianca kay Ruru, pero sapat na para kiligin ang fans ng dalawa. Pinaalalahanan pa si Ruru ng kanilang fans na alagaang mabuti si Bianca at kung puwede pakainin ito ng marami para tumaba at para hindi na ma-bash sa kapayatan.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with