^

Pang Movies

Jinggoy aminadong mahihirapang maka-recover sa Coming Home

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Timing naman na sa pagbabalik ni former Sen. Jinggoy Estrada sa showbiz bilang aktor at bilang producer ay saka naman nagkaroon ng pandemya at nagsara ang mga sinehan.

Official entry nga sana sa kauna-unahang Summer Film Festival ang pelikulang Coming Home na comeback movie niya na prinodyus niya’t pinagbibidahan pero nakansela nga ito. Dapat ay noong Abril nga ito nagsimula.

Sa Zoom presscon with the actor/politician with the entertainment press last Sunday night ay natanong nga sa kanya kung ano na ang plano niya for Coming Home at aniya ay ipapasok niya sa Metro Manila Film Festival sa December.

Pero aminado rin si Jinggoy na talagang mahihirapan ang mga producer and theater owners na kumita if ever man na matuloy ang MMFF dahil baka maging limited lang ang pwedeng papasukin sa sinehan dahil hindi nga pwedeng tabi-tabi ang mga tao. So mahihirapan daw talaga silang mga producers na makabawi.

Natanong nga siya kung ano ang maipapayo niya sa mga artistang nawalan ng trabaho, ani Jinggoy ay pare-pareho naman daw silang walang trabaho.

Pero may mga artista palang lumalapit sa kanya at natutulungan naman niya. Ayaw na nga lang niyang banggitin pa ang mga pangalan.

“Siyempre, alam ko naman ang katayuan nila. Minsan, kapag walang show, walang taping, walang shooting, alam mo ‘yun? Nakakaawa rin, eh.

“But I can only give so much, kasi wala rin naman akong trabaho. Buti kung Senator ako or Mayor ako or whatever, mas makakatulong ako.”

Gustuhin man daw niyang tulungan ang lahat ng artistang nawalan ng trabaho ay hindi niya kaya. Kaya ang payo niya ay mag-isip din daw muna ng ibang pagkakakitaan ang mga ito. Marami rin naman daw ibang paraan lalo na nga sa online world.

‘Yung magagaling nating artista at talents ay wala naman daw dapat ipag-alala dahil pwede naman daw ang mga ito kahit saang istasyon. Kung wala nang ABS-CBN ay pwede naman daw lumipat sa GMA-7 kabilang na ang magagaling na direktors at writers.

Sa ngayon, kahit wala sa posisyon ang dating Senador ay patuloy pa rin siya sa pagtulong sa mga tao partikular na nga sa mga kapwa niya taga-San Juan. Mayroong din siyang live session sa Facebook kung saan ay namimigay siya ng pera at iba’t ibang papremyo.

Kinumpirma ni Jinggoy ang intensyon na tumakbo next elections pero kung anon’g posisyon ay secret daw muna.

Max may ‘me time’ na

“Happy momma makes a happy baby.” Ito ang pahayag ni Kapuso actress at first-time mom Max Collins kung bakit mahalaga ang pagkakaroon ng “me time” bilang isang ina.

Sa kanyang Instagram post, ikinuwento ni Max ang challenges sa pag-aalaga sa kanilang newborn ni Pancho Magno na si baby Skye Anakin na siguradong nararanasan din ng ibang mommies.

“l think it’s okay to have some “me” time once in a while to stretch/exercise - why this early postpartum you ask? I was cleared by my midwife to do light exercises since I don’t have a tear and I’ve already recovered from giving birth (one of the many benefits of having a water birth!),” aniya.

vuukle comment

JINGGOY ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with