^

Pang Movies

Alice, binuhay ang ‘pagtuklaw’ ng ahas sa mall para sa views?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Finally, nilinaw na ni Alice Dixson ang urban legend na may ahas sa Robinsons Mall na na-encounter niya habang nasa fitting room siya. Sa kanyang vlog, kinuwento ni Alice na 1980s pa nagsimula ang tsismis habang nagsu-shooting siya at kung saan, pinagbihis siya ng production sa bathroom na nasa labas ng Robinsons Galleria.

 Na-headline sa tabloid ang balita at doon na lumabas ang tsika na inatake ng ahas si Alice, nahulog siya sa trap door at ang ahas ay twin brother ni Robina Gokongwei. Kaya daw nanahimik siya dahil nabayaran siya ng P850M.

“Hindi naman ako nahulog sa trap door. Hindi naman ako tumakbo sa corridor palabas papunta hotel. Hindi din naman ako nabayaran ng 850 million, at hindi rin nangyari iyong na-cut ang pagsasalita ko sa isang TV show when I was trying to explain myself,” paliwanag ni Alice.

May mga nag-isip lang na kaya lang nagsalita ngayon si Alice para raw pampataas sa views ng vlog niya.

Alden na-bash sa pagpo-post ng rapid testing

This Monday na lalabas ang first teaser ni Alden Richards sa bago niyang endorsement na Cosmo Cee Vitamin Cee. Si Nino Bautista, founder and managing director ng BFC Lab na may gawa ng Cosmo Cee mismo ang nagbalita nito.

Anyway, may mga nag-react nang i-post ni Alden ang result ng kanyang COVID-19 test na negative. Dapat daw, hindi niya ipinakita ang name ng doctor at ang license number nito. Ang iba naman, nag-react dahil dapat swabbing o PCR test ang ipinagawa ni Alden at hindi rapid test na hindi agad nade-detect kung may COVID na ang isang tao.

Aljur, kunuyog ng galit ng mga Kapamilya

Sinugod na ng Kapamilya fans ang Instagram account ni Aljur Abrenica para iparating sa aktor ang kanilang galit at disappointment sa paliwanag nito kung bakit hindi siya naging vocal sa pagsuporta sa franchise renewal issue ng ABS-CBN.

Iniwan daw ni Aljur sa ere ang ABS-CBN at may mga nag-comment na ang mga gaya niya ang dapat hindi binibigyan ng project ng Kapamilya Network. Sa galit nga ng iba, tinawag si Aljur na walang utang na loob dahil kung hindi siya kinuha ng network, wala siyang mapupuntahan pagkatapos niyang umalis sa GMA-7.

Nadadamay si Robin Padilla at ang feeling ng Kapamilya fans, napagsabihan nito si Aljur na ‘wag sumama sa protest rally ng mga talent at empleyado ng network. May nag-comment pa na kapag nagkaroon ng bagong franchise ang ABS-CBN, ’wag na uling kunin si Aljur at hayaang bumalik sa GMA-7 o lumipat sa TV5. Mabuti pa raw si Kylie Padilla nakisimpatiya sa ABS-CBN, pero si Aljur, deadma talaga

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with