^

Pang Movies

Zsa Zsa dumaranas pa ng depression, ‘di nagparamdam sa birthday ni Dolphy?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Hindi pa rin bumabalik sa social media si Zsa Zsa Padilla kahit sa birthday ni Dolphy kahapon. Sobra kasing naapektuhan ang singer-actress sa napanood na Zoom meeting nina Cong. Mike Defensor, Rodante Marcoleta at Congw. Yedda  Romualdez na pinag-usapan how to take over ABS-CBN building.

Kung hindi lang na-stress at nagalit si Zsa Zsa sa napanood, tiyak na may birthday ­greetings si Zsa Zsa kay Dolphy. Si Zsa  Zsa pa na walang napapalampas na milestone sa buhay ni Dolphy.

Sa 8th death anniversary nga ni Dolphy, nagdala ito ng flowers sa puntod ni Dolphy at humingi siya ng prayers sa kanyang followers. Sabi pa nito, everyday niyang nami-miss si Dolphy “and I know that he is always with me in spirit.”

Piolo, Derek at Dingdong, malabo pang mawalan ng endorsement

May fans sina Piolo Pascual, Derek Ramsay, at Dingdong Dantes na nagtatanong kung magsasara rin ba sa Pilipinas ang Dunkin’ Donuts.

Nabalita kasing magsasara ng maraming branches ng DD sa Amerika at iba pang parte ng mundo at kapag nagsara ang DD sa bansa, hindi na nga naman nila mapapanood ang TVC ng tatlo na pare-parehong endorsers ng DD.

Well, matutuwa nito ang fans ng tatlong aktor dahil kahit magsara ang maraming branches ng DD sa ibang parte ng mundo, tuloy ang pagiging operational dito sa Pilipinas. Ibig sabihin, hindi sila nalulugi rito at ibig pa ring sabihin, malakas kumain ng donuts at uminom ng kape ang mga Pinoy.

Speaking of Dingdong, mukhang malapit na ngang umandar ang delivery app nilang dingdong.ph dahil noong isang araw, nagkaroon ng first General Assembly ang Core Group ng delivery app. Tapos na ang training ng riders at malapit na silang tumanggap ng applicants ng merchants na makakatuwang nila sa pagde-deliver ng food at iba pang goods.

Habang nakikipag-Zoom ­meeting nga si Dingdong sa Execom, Business Devt., Ops, Marketing, HR, Rider Management at Legal Department, dinalhan ni Marian Rivera ng burger si Dingdong. Nagpasalamat si Dingdong sa asawa na sinagot ni Marian ng “Basta ikaw mahal ko.”

Samantala, starting this Sunday, fresh episode na ng Amazing Earth ang mapapanood kung saan, may exclusive interview si Dingdong sa assistant professor from UP na si Jan Robert Go na based in Wuhan, China –once, the epic center of COVID-19 outbreak. Ikukuwento nito ang experiences niya na ma-lock down sa Wuhan ng ilang weeks.

Dra. Vicki, taga-update sa honeymoon ng AshMatt

May pasilip na naman si Dra. Vicki Belo sa honeymoon nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, sa pinost nitong photo ng mag-asawa, makikitang hinalikan ni Matteo sa pisngi si Sarah, kaya ang caption ni Dr. Vicki sa photo ay “Thank you @matteo for kissing your wife for us.”

Binanggit din ni Dra. Vicki na nagtanim ng coconut tree ang mag-asawa at comments ng netizens, halata sa mukha ni Sarah ang saya. Nagpasalamat sila kay Dra. Vicki sa update sa honey­moon ng mag-asawa at nakakatuwa dahil walang makulit na nagtatanong kung saan nag-honeymoon ang Guidicelli couple.

vuukle comment

ZSA ZSA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with