^

Pang Movies

Liza hinahanapan ng delicadeza

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

“Matapos ang pagtatangka mong makuha ang MMFF, ang inaasahan namin ay magbibitiw ka bilang delicadeza. Dahil dito, nais naming ipaalam sa iyo na binabawi na namin ang iyong pagkakatalaga bilang miyembro ng executive committee,” ang sabi sa sulat ni Metro Manila Deve­lopment Authority at Metro Manila Film Festival Chairman Danny Lim kay Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño.

Ang usapang iyan ay nag-ugat daw sa isang sulat na ipinadala ni Diño sa Malacañang noon pang 2017, kung saan sinasabi niyang mas dapat na ang MMFF ay ilagay sa ilalim ng FDCP dahil sila ang naatasan para mapalakad sa industriya ng pelikula.

Pero hindi sinasabi sa executive order na lumikha sa FDCP na sila ay isang “authority” o isang “regulatory body” ng industriya ng pelikula sa ating bansa.

Ang FDCP ay inaasahang mag-aaral para makatulong sa industriya sa pag-aangat ng kakayahang tekniko ng industriya at lalo na ang pagma-market ng pelikula.

Bagama’t totoo na ang pinag-ugatang sulat ay noon pang 2017, ang katotohanan na wala naman silang pahayag na nagwi-withdraw sila ng kanilang proposal na makuha ang MMFF mula sa MMDA, iyon ay nananatili. Kaya siguro gumawa ng ganoong aksiyon si Chairman Danny Lim.

Nagpaabot na rin diumano ng payo ang dating director general ng FAP at miyembro rin ng execom ng MMFF na si Manay Ichu Maceda na huwag nang pakialaman ng FDCP ang MMFF dahil maayos naman ang pagpapatakbo noon at kumikita.

Mayroon pang pahayag ang Philippine Motion Picture Producers Association, ang samahan ng mga producers ng pelikula, at siyang nagsimula ng MMFF at maging ng Manila Film Festival na nauna pa rito, na hindi na sila sasali sa MMFF kung iyon ay ilalagay sa ilalim ng FDCP.

Mukhang at odds ang FDCP sa mga lider ng industriya, kabilang na ang director-general ng FAP na si Vivian Velez na isang appointee rin ng presidente.

Kaya para maiwasan na ang mga usapang hindi maganda, mabuti na nga rin siguro na huwag nang makialam ang FDCP sa festival, tutal may mga festival  din naman silang ginagawa. Iyon na lang ang pagbutihin nila at kung lalabas na mas magaling iyon, at saka na lang mag-usap.

Mabuti na nga rin namang wala na si Liza Diño sa execom ng MMFF, kung naniniwala nga siyang mali ang handling noon sa festival, kaya niya hinihinging mapunta sa kanyang ahensiya.

Bitoy, naniniguro

Ok lang naman si Michael V. Marami ang nag-alala nang mag-post siya ng isang picture na tila may nakakabit sa oxygen sa isang ospital. Iyon pala check up lang. Nagpa-x-ray siya dahil madali daw siyang mapagod. Nakitaan naman siya ng “kaunting simula ng pneumonia.”

Pero hindi dahilan iyon para maospital siya. Binigyan siya ng gamot at sinabihang ituloy ang kanyang quarantine sa kanyang tahanan mismo. Iyon naman ang ginagawa niya simula nang magpositibo sa COVID-19.

Sa nakikita namin, lalo na sa mga inilalabas niyang live videos sa internet, nananatili namang masigla at malakas ang kanyang pangangatawan. Ibig sabihin kahit na nagkaroon siya ng COVID, matibay pa rin ang panlaban ng kanyang katawan. Kaya tiyak iyon malalampasan niya ang COVID.

Nakikita naman natin ngayon, maraming nagkaroon ng COVID ang gumaling kahit na sinasabing wala pang bakuna para riyan. May mga gamot na nagagamit, at mga bitamina para palakasin ang katawan hanggang sa mamatay na nang kusa ang virus na tumama sa kanila.

Kung mas matibay ang tao kaysa sa virus, aba eh bale wala iyan. Kailangan lang mapalakas ang katawan ng isang tao para labanan ang coronavirus.

vuukle comment

LIZA DIñO

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with