^

Pang Movies

Honeymoon nina Matteo at Sarah, may chaperon

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nakakatuwa naman dahil may kasama sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa kanilang delayed honeymoon na hindi nabanggit ni Dr. Vicki Belo kung saan. Kasama ng Guidicelli couple sa kanilang honeymoon si Scarlet Snow Belo at kasama rin si Dr. Belo dahil alangang ang mag-asawa ang mag-aalaga kay Scarlet.
Sa clue na pinost ni Dr. Belo, parang may dagat sa picture ng tatlo at may van pa na sabi, van ni Matteo. Dahil sa post na ‘yun ni Dr. Belo, marami ang nagre-request ng more photos sa mag-asawang Guidicelli.
May nakapansin sa suot ni Sarah, sobra raw komportable dahil maluwag, may nag-comment tuloy na mukhang buntis na ang singer-actress. Dobleng nakakatuwa ito kung totoo dahil nauna pang magbuntis si Sarah sa honeymoon nila.

Pokwang dalawa agad ang show sa TV5

Libreng naire-report ni Mario Dumaual ng ABS-CBN ang pagkakaroon ng shows nina Jessy Mendiola at Pokwang sa TV5. Ini-report ni Mario sa ABS-CBN News na magho-host si Jessy ng health show na Fit for Life at si Pokwang, dalawang shows ang gagawin. Ang game show na Fill in the Banks with Jose Manalo at ang morning show na Rise and Shine with Pauleen Luna.
May pahayag si Perci Intalan, ang programming consultant ng TV5 sa pagkuha kina Jessy at Pokwang.
“We want to cast a wider net to employ more artists and industry players through blocktime or co-production arrangements and platforms,” sabi ni Perci.
So, we can expect more Kapamilya stars na lalabas sa TV5, kaya lang, sana magawan agad ng solusyon ng TV5 na makumbinse nila ang Kapamilya fans na panorin ang shows sa TV 5. Ang dami naming nababasang comments na kahit mahal nila ang ABS-CBN, hindi pa rin nila panonoorin ang shows ng Kapa­milya stars sa TV5.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with