^

Pang Movies

Sunshine tanggap bilang anak si Diego

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sunshine tanggap bilang anak si Diego

Talagang ikinatutuwa ni Sunshine Cruz ang patuloy na magandang pagsasamahan ng kanyang mga anak at ng kanilang kuya na si Diego Loyzaga. Magkaiba man ang kanilang mga ina, naroroon pa rin ang bond nila bilang “magkakapatid” at “mayroon silang isang pamilya”.

 “Si Diego naman since bumalik siya sa Pilipinas, naging close na siya sa mga anak ko. Kami naman ni Teresa mabuti kaming magkaibigan. Never kaming nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan. Noong nagkaroon ng problema si Diego, siniguro ko na alam niyang naka-suporta hindi lang ang mga kapatid niya kundi pati ako. Nakahanda naman kaming tumulong talaga in whatever way.

“Ang feeling ko kasi kay Diego, parang anak ko na rin. Kasi siguro wala akong naging anak na lalaki at saka talagang close siya sa mga anak ko,”pagkukuwento ni Sunshine.

Sa kuwento pa rin ni Sunshine, si Diego rin at maski si Teresa, lagi ring nagpapakita ng concern sa kanila.

 “Noong kami naman ang may problema, lagi ring nariyan si Diego, at maski na si Teresa tumatawag sa akin at nagbibigay ng moral support. Aywan pero naroroon ang feeling na para kaming magkakamag-anak na rin dahil siguro parang iisa ang aming naging problema.

“Ngayon masaya naman ang buhay namin, dahil pare-pareho kaming nakalampas na sa aming naging problema noon,” sabi pa ni Sunshine.

Inilabas ni Diego sa kanyang social media account ang latest pictures ng pagdalaw niya sa mga kapatid niya sa tahanan ng mga iyon, kasama ang ermat niyang si Teresa.

Nag-post din naman si Sunshine at ang kanyang mga anak ng kaparehong photos.

Kapamilya shows may chance mapanood sa 13

Maugong ang mga usapan na may mga executive diumano ng ipinasarang ABS-CBN, na nakikipag-usap sa pamunuan ng IBC 13 upang makapag-blocktime at maipalabas sa istasyon ang kanilang shows. May franchise ang IBC 13, na sequestered ng gobyerno simula pa noong 1986, pero wala silang equipment at mga tauhan para mag-produce ng mga bagong show. Ang ABS-CBN naman, may mga makabagong equipment at mga tauhan, pero nawalan na nga ng franchise.

Maganda nga siguro kung magkakatulungan sila, pero depende pa iyan sa kanilang magi­ging usapan. Hindi kagaya ng ibang networks na nakagagawa pa ng mga shows nila, ang IBC 13 ay nagagamit na lang sa replay ng government produced programs.

Matinee idol kinalasan ang GF para sa lalaking model

Maugong ang usapan tungkol sa isang young matinee idol at isang sexy model / actor. Sinasabing totoo pala, ang sexy male model / actor ang “totoong third party”, kung kaya inisplitan ng young matinee idol ang kanyang girlfriend. Mukhang nakunsumi na raw kasi ang young matinee idol sa kanyang girlfriend na parang linta kung kumapit sa kanya, kaya pinili na niyang makisama sa sexy model / actor na siya niyang karelasyon ngayon.

Ibig bang sabihin nag-elect na ng bagong “citizenship” ang young matinee idol na iyan?

vuukle comment

DIEGO LOYZAGA

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with