^

Pang Movies

Marian nanghihingi ng tulong

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nag-post ang Marian Updates Instagram ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ng panawagan nila: “Donate your pre-loved gadgets today for the 2KK Gadget Drive. Help out kids continue their education.”

“Distant learning is part of our new normal now and so we want to ensure our kids be able to adapt and continue their education. Donate your Pre-Loved Gadgets today to help make that happen for kids from the communities of Payatas, Smokey Mountain, and Maisan, Sampaloc. A project of Yes Pinoy Foundation in partnership with @kapwakapatid & @smilecares foundation.”

“Mag-sign lamang ang gustong mag-donate sa https://bit.ly/2KKGadgetDrive.”

Howie, ‘di na pinayagang mag-donate uli ng blood plasma

Isa si GMA News and Public Affairs documentarist Howie Severino na nag-positive sa COVID-19 last April, pero nalabanan at naligtas siya sa virus kaya documented niya itong ipinalabas sa isang special edition ng GMA News & Public Affairs, kung paano siya lumaban sa sakit at nagpasalamat siya sa lahat ng nagdasal para sa kanya at sa doctors and health workers na umasikaso sa kanya.

Sa paglabas ni Howie sa ospital, tinanggap niya ang panawagan ng Philippine General Hospital (PGH), para sa COVID-19 survivors na i-donate nila ang kanilang blood plasma para gamitin naman sa mga critically-ill na may karamdaman.

Nagkaroon muna siya ng tests para malaman kung pwede siyang maging donor ng blood plasma. Successfully naman siyang nakapasa sa mga test at masaya si Howie kung sinuman ang mga natulungan ng kanyang blood plasma.

Noong isang araw, muling nanawagan ang PGH para sa mga pwedeng mag-donate ng kailangang blood plasma na sabi ay pwede namang gawin ng donors ng ilang beses, dadaan lamang sila muli sa panibagong tests. Muling nag-volunteer si Howie na mag-donate ng kanyang blood plasma at nagtungo siya sa PGH last Wednesday para sa required testing.

Malungkot si Howie sa result ng kanyang tests dahil hindi na siya pwede muling mag-donate ng blood plasma.

“Lumabas sa mga tests ko na hindi na ako pwedeng mag-donate ng blood plasma ko,” paliwanag ni Howie sa 24 Oras. “Natuklasan na nabawasan na ang mga anti-bodies ko na panglaban sa virus. At ang natitirang anti-bodies ko ay sapat na lamang para labanan ko ang mga virus.”

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with