^

Pang Movies

Zsa Zsa, nakakaramdam ng galit at lungkot

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Marami ang nag-react sa post ni Zsa Zsa Padilla na “Good evening. Since the zoom video came out the other day, I have been dealing with feelings of sadness, anger and helplessness. I need to do a cleanse so I am putting my favorite socmed apps Twitter and Instagram at the very end of my phone where I can’t open them. God bless.”

Hindi pa nga nagpo-post uli si Zsa Zsa after posting this na ang tinutukoy ay ang Zoom mee-ting nina Deputy Speaker Rodante Marcoleta at House Representatives Mike Defensor, Jesus Remulla, at Yedda Romualdez.

Maririnig ang usapan ng apat sa next move na kanilang gagawin at nabanggit na “yung titulo unahin natin... Dapat makuha natin kaagad yun... lahat ng improvements dun, pag-aari na ng gobyerno yun,” na si Marcoleta ang nagsalita.

Parang ang titulo ng ABS-CBN ang pinag-uusapan ng apat na naging isyu sa Congress hearing.

Sa nabasa naming comments sa IG post ni Zsa Zsa, hindi lang siya ang nalungkot at nagalit dahil ganu’n din ang naging reaction ng Kapamilya stars at netizens.

Sabi ni Christine Bersola-Babao, “that Zoom meeting triggered me so much” at marami ang nakisimpatiya kay Zsa Zsa na Kapamilya fans.

May nagpayo kay Zsa Zsa to turn off her smartphone, mag-pray at mag-meditate siya.

Jane tinawag na Darnang ‘di makalipad!

Binisita namin ang Instagram ni Jane de Leon at may mga nababasa kaming hate comments dahil sa pahayag niya patungkol sa pagra-rally na sinagot ni Angel Locsin.

May nag-comment na takot daw sa COVID-19 si Jane, pero nakapunta sa The Farm sa Lipa, Batangas. Dapat daw mahiya siya kay Angel na kinol out ang attention ng ilang Kapamilya stars na hindi nagpapakita ng suporta sa pagsasara ng ABS-CBN.

May nag-comment pa kung guilty ba si Jane dahil sa sagot sa kanya ni Angel dahil totoo raw na nagpapa-cute lang siya sa Instagram. Bagay din daw tawaging “Darnang ‘di makalipad lipad” dahil nga sa nangyari sa ABS-CBN.

May galit na fans ni Angel ang nagsabi kay Jane na she doesn’t deserve the Darna title at kung puwede raw bang ibalik na niya kay Angel ang title. Ang bato naman daw, either kay Angel o kay Liza Soberano niya ibalik.

Pero may supporters si Jane na nagtatanggol sa kanya. May mga nag-agree sa kanya na hindi kailangang maghikayat ng supporters ng ABS-CBN sa kalye.

May nagpayo naman sa kanya na lumaban sa bashers na hindi nakikipag-away at hindi galit. Epitome raw si Jane of what a real Darna is like.

Ano kaya ang masasabi rito ni Angel?

Max, balik-alindog na ang inaatupag

Ang cute ng baby photos ni Skye Anakin na pinost ni Max Collins sa kanyang Instagram. May picture ni Baby Skye na naka-smile na sabi ni Max, ‘pag nakikita niya “makes me melt everytime.”

May picture rin ng baby na umiiyak at naalala namin ang nabanggit ni Max sa isang interview na iyakin ang baby nila.

Maaga pa para malaman kung sino ang kamukha ni Baby Skye, pero sabi ng friends ni Max, kamukha nito si Pancho Magno at may nagsabi namang ang brother ni Max ang kamukha ng baby nila.

May nabasa rin kaming comments na nagpapasalamat kay Max for sharing Baby Skye with them dahil isa sina Max at Pancho na agad ipinakita ang mukha ng baby nila.

In fact, pagkaluwal sa baby, nakita na agad natin dahil sa video na in-upload ni Pancho na may dugo pa si baby. Pati ang pag-cut ng umbilical cord nito napanood din natin.

In between nursing baby Skye, balik-alindog na si Max dahil nagwu-workout na ito.

vuukle comment

ZSA ZSA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with