^

Pang Movies

Alden at Bea, ginawang promo ang titigan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Umaani na ng maraming likes at shares ang ipinalalabas na TVC nina Kapuso actor Alden Richards at Kapamilya actress Bea Alonzo ng kanilang first shampoo endorsement na magkasama. 

Maraming kinilig sa kanilang TVC na may kasama pa silang isang endorser, na nag-shoot sa Thailand, pero nakabalik din ng bansa bago nagkaroon ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic. Ang inaabangan ngayon ng fans nila ay ang TVC na sila lamang dalawa.

Pero pinag-uusapan din ngayon ang mga photoshoots na ginawa na nila rito, para sa promo, ito ay iyong ‘titigan post’ nila na comment nga ng mga netizens ay “bagay sila.”

Unang nag-post sa kanyang Instagram si Alden ng ‘titigan’ nila ni Bea na ang caption niya “sino kaya ang mananalo sa staring contest na to?” 

Nag-post din si Bea at ang sagot niya, “me!” pero kinontra agad ito ni Alden ng “ako ang nanalo rito!”

Migo naging normal sa HK

Time to go back home na ni Kapuso actor Migo Adecer, dahil next month, isa na siya sa magbabalik-taping ng kanilang primetime teleserye ng GMA Network na Anak ni Waray vs Anak ni Biday.

Matagal ding nagbakasyon si Migo sa Hong Kong, bale four months, nang magbakasyon siya roon last March, pero doon na siya inabutan ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

“I’ve been gaming, tapos marami akong oras para puntahan ang beach, mo­vies at dahil nandito ako sa Hong Kong, hindi ako artista kasi hindi ako kilala rito.  At least, naranasan ko muli ang normal life, ang new normal,” sabi ni Migo. 

“Kaunti lamang ang kaso ng COVID-19 dito, pero ngayong pabalik na ako ng Pilipinas, may announcement sila, na maghihigpit sila ng protocols.  Hindi nagrireklamo ang mga tao dahil naranasan na pala nila noon ang SARS epidemic, kaya alam na nilang kailangang mag-mask, ang mag-disinfect sila, social distancing para sa new normal.”

Pagbalik ni Migo, 14 days siyang magka-quarantine, bago mag-report for work with co-stars Barbie Forteza, Kate Valdez, Snooky Serna, and Dina Bonnevie.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with