^

Pang Movies

Mga maglilipatan dapat magpaalam

Vir Gonzales - Pang-masa

Nasa mabigat na sitwasyon ngayon ang mundo ng showbiz dahil sa pagpapasara ng 70 kongresista sa ABS-CBN.

Nasa alanganin ang katayuan ng mga artista at iba pang talents ng network. Sa totoong buhay, alin ba ang mas pipiliin ng karamihan, maging loyal, walang utang na loob o ayaw mong magutom ang pamilya mo?

Kaya hindi mo masisisi ang mga artistang naglilipatan.

Sana lang, kung lilipat sa ibang network ang mga taga-ABS-CBN, matuto silang magpaalam kasi tiyak na hindi naman sila pipigilan dahil kailangang mabuhay ng mga pamilya nila.

Kung hindi sana sumulpot ang sumpang salot ng China, baka mas maging madali ang pag-usad ng buhay ng mga nawalan ng trabaho.

Coco pinayuhang ‘wag na uling babangga sa pader

Tuloy ang laban ni Carlo Dalisay (Coco Martin) sa seryeng Ang Probinsyano.

Sabi nga “When God closes a door, He opens a window.” Sa situation ni Coco, nang ipasara ang ABS-CBN ay humanap ng paraan ang aktor na maipagpatuloy ang naunsyaming serye.

Sa YouTube ito mapapanood ng mga tagahanga niya. Nakakalungkot lang na Nokia cellphone lang po ang gamit namin at walang YouTube. Natuklasan naming marami rin palang tagahanga ang walang smart cellphone pero may YouTube.

Samantala, naaawa si Coco sa mga kasamahan sa Ang Probinsyano kaya’t itinuloy ito kasehodang sa YouTube lang mapapanood at sa cable – Kapamilya Channel, dahil ang importante raw sa actor ay mapanood ng kanyang fans ang pagpapatuloy ng kuwento nito.

May nag-advice nga pala kay Coco na sana raw ay huwag na uli siyang magko-comment sa pagkakasara ng ABS-CBN dahil pader ang kalaban niya hindi kung sinu-sino lang.

Aleck Bovick ‘di na mahagilap

Nasaan na ba ang dating sexy star si Aleck Bovick na papasikat na noon pero biglang nawala sa eksena?

Naimbitahan namin siya dati isang fiestahan sa imbitasyon ni Mayor Zander Khan.  Si dating Mayor Zander ang dating singer na nagpasikat ng awiting Tanging Ikaw  at Baleleng na naging mayor sa isang lugar sa Davao.

Naalala ko lang si Aleck dahil napanood din siya dati sa Ang Probinsyano.

 Happy Birthday’

Masaya ang birthday ni Roland Lerum na nagdatingan ang mga ayuda galing sa mga nakaalala. Malaki ang pasasalamat niya dahil walang nagpadala ng sardinas, noodles, kape at kilo-kilong bigas tulad noong lockdown period.

Happy birthday Roland. Nawa ay manatili kang healthy sa lahat ng oras. (Happy birthday Roland. Keep safe. – Salve)- BOZEZ

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with