^

Pang Movies

Coco muntik na raw kasuhan

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Coco muntik na raw kasuhan
Coco

True kaya na muntik nang kasuhan si Coco Martin?

Walang ibang details na ibinigay ang ka-chat ko kahapon. Pero matagal na raw ‘yun, parang almost two months ago pa.

Naayos naman daw ang pangyayari pero ‘yun nga, hindi pa rin makabalik sa social media ang Kapamilya actor na itinuloy ang taping ng Ang Pro­binsyano na napapanood na rin sa YouTube bukod pa sa cable channels.

May konek daw kasi ito sa old post ni Coco noon tungkol sa pagi­ging vocal ng aktor sa sama ng loob sa pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN na massive ang epekto dahil pati ang kanilang TV shopping arm na O Shopping ay isasara na rin. Ilang trabahador nun ang tiyak ding mawawalan ng trabaho at kinakailangang mag-umpisa uli sa simula. Eh mahirap ngayong makahanap ng trabaho dahil nga sa pademya.

Oww, by the way kahapon ay 2,241 ang new cases ng COVID-19 sa bansa at 67,456 na ang total cases.

Going back to Coco, marami na actually ang naghihintay sa pagbabalik niya sa social media. Kailan kaya?

Though meron naman siyang fan pages, pero iba raw ‘yung legit account ng actor.

Film restoration arm ng Dos sarado na rin

Grabe, nakakahinayang naman na pati ang ABS-CBN Film Restoration office ay sarado na.

Ni-restore nila ang maraming Pinoy classic films na halos natutunaw na ang mga negatibo. Naisalba nila na parang bago uli pag pinanood mo.

Pero sadly, ganun, epekto pa rin ‘yun ng pagsasara ng network.

Ano kayang plano ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) headed by Ms. Liza Diño?

Maituturing na kayamanan ng local films ang mga classic film noon ng namayapang si Lino Brocka at iba pang mahuhusay na mga director at artista.

Sana ay may kalagyan ang mga nasabing pelikula na hindi na madu-duplicate kahit kailan lalo na ngayong mahirap na ang pagso-shooting sa new normal set-up.

At sana ay magkaroon din ng grupo na magre-restore ng mga lumang pelikula natin na tumatak sa mga manonood.

Michael gusto ring magpaka-teacher

Isa ang multi-awarded comedian at content creator na si Michael V. sa mga iniidolo ngayon ng nakararami dahil sa vlogs niya na kapupulutan ng aral. 

 Ayon sa Bubble Gang at Pepito Manaloto star, mahalaga na maibahagi niya sa mga kabataan ang kanyang natutunan sa ilang taon niya sa showbiz. 

Sa latest YouTube vlog ni Bitoy, ikinuwento niya na pinangarap din niyang maging teacher simula pa lang nang makapasok siya sa showbiz industry.

 Si Bitoy ay graduate ng Mass Communications sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Dagdag pa ng Kapuso comedian, malaki raw ang pagkakaiba ng mga natutunan niya sa kolehiyo mula sa kanyang actual working experience.

 “Being here in the industry, gusto ko rin mai-share sa mga Mass Comm. students ‘yung sistema ng showbiz dito sa Pilipinas. Iba kasi ‘yung natutunan ko sa college dun sa actual na na-experience ko sa projects ko. In a way, gusto kong mamulat ‘yung mata ng mga estudyante doon sa mga dapat nilang i-expect kung sakaling interesado silang gawin ‘yung mga ginagawa ko,” paliwanag ni Direk Bitoy.

Mapapanood si Michael V. sa longest-running comedy show na Bubble Gang tuwing Biyernes, 10 p.m., at sa award-winning sitcom na Pepito Mana­loto tuwing Sabado, 7 p.m., sa GMA Network.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with