^

Pang Movies

Movie nina Toni at Alex sa MMFF pinabo-boycott!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Movie nina Toni at Alex sa MMFF pinabo-boycott!
Toni

May boycott culture sa internet sa mga araw na ito at lahat na lang gustong i-boycott ng netizens kapag may bagay na hindi naaayon sa kanilang panlasa at paniniwala. Kapag may hindi nagustuhan, boycott agad ang naiisip.

Gaya na lamang sa ila-launch pa lang na deli­very app nina Dingdong Dantes na DingdongPH. Nang mabasa na nag-training na ang riders ng delivery app, may agad nanawagan na i-boycott ang business venture ng grupo ni Dingdong.

Ang rason nang nanawagan ng boycott ay dahil against si Dingdong sa Anti-Terror Bill at pro-NPA raw ang aktor. Hindi na naisip nang nanawagan ng boycott na ang misplaced entertainment workers na nawalan ng trabaho ang matutulu­ngan ng DingdongPH.

May nanawagan ding i-boycott ang 2020 MMFF entries na The Exorcism of My Siszums na bida ang magkapatid na Toni Gonzaga at Alex Gonzaga at produced ng Tincan Productions ni Toni.

Ang rason kung bakit gustong i-boycott ang nasabing pelikula ay dahil maka-DDS daw ang magkapatid.

Pati ang pelikula ni Vice Ganda na Praybeyt Benjamin 3, kasama rin sa gustong ipa-boycott dahil DDS din daw si Vice. Wala pang reaction si Vice tungkol dito at kung nakarating na ba sa kanya ang boycott ek-ek ng ibang netizens.

Speaking of Dingdong, pinaghandaan nila ng mga kasosyo sa DingdongPH ang pagiging operational ng delivery app dahil nag-underwent ng training ang riders.

Anne ‘di nakatiis kay Sen. Koko

Idinaan ni Anne Curtis sa Twitter ang reaction sa balitang tinawag ni Sen. Koko Pimentel na “baseless case” ang legal action na ipinataw sa kanya for breaching COVID-19 quarantine protocols nang samahan sa Makati Medical ang noon ay buntis na asawa na malapit nang manganak.

Tweet ni Anne: “I understand excited sya sa baby nya. BUT he was waiting for the result of his test. Going to the hospital not knowing if he’s positive or not for covid-19 was reckless & irresponsible- putting lives at risk. Imagine babies with low immune systems pa. It is not a “baseless case.”

Nag-agree kay Anne ang netizens at hindi acceptable ang ginawa nito kahit maganda ang intention ni Sen. Koko.

Iya, parang hindi nanganak

Baby girl ang isinilang ni Iya Villania, ang third baby nila ni Drew Arellano at hindi na nahirapan ang mag-asawa na mag-isip ng pangalan dahil bago pa manganak si Iya, may nakahanda na silang name ng baby boy at baby girl. Very proud na ipinakilala nina Iya at Drew si baby Alana Lauren V. Arellano.

Naalala naming nabanggit ni Iya na ang feeling niya, baby boy pa rin ang ipinagbubuntis, pero nagkamali siya dahil babae ang kanyang isinilang.

Ang maganda kina Iya at Drew, gaya nina Max Collins at Pancho Magno, agad ipinakita ang mukha ng kanilang baby. Hindi na naghulaan ang netizens kung sino ang kamukha.

May mga mommy lang na nainggit kay Iya dahil kahit bagong panganak, mukha pa ring fresh at parang hindi nag-labor. Wala sa hitsura na nahirapan si Iya sa panganganak at dahil na rin siguro sa pagwu-workout na hanggang malapit nang magsilang, nagwu-workout pa rin.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with