^

Pang Movies

Zia, Scarlet at Talitha, super high tech ang buhay

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Zia, Scarlet at Talitha, super high tech ang buhay
Zia

Parang ang cute at very interesting ang pag-aaral ngayon ng kids.

 Pag nakikita ko ang photos nina Talitha, Scarlet at Zia na pumapasok sa school, ‘yung activities na ginagawa nila, parang ibang-iba kaysa sa ginagawa noon. Tapos, sa edad na iyon, nag-aaral na ng Chinese si Scarlet, mayroong mga art class si Zia, at may mga project na si Talitha na parang ngayon ko lang naririnig na ginagawa ng isang bata.

Ang galing ng panahon ngayon, bukod sa techie na ang mga bata, may kaalaman sila na iba sa naging pag-aaral noon ng parents nila.

Bongga ang bagong generation, sobrang advance.

LIFE IS A CONTINUOUS PROCESS...

Life is really a continuous process.

Hindi puwedeng sabihin mo na forever na ang isang bagay o isipin na magiging iyo na ito habang buhay.

I can imagine how sad for a person na mawalan ng trabaho na halos 10 or more years niyang ginagawa. Para ding pag nawala o natapos ang isang programa, on the last telecast para kang namatayan dahil mami-miss mo ang mga tao na nakasama mo, ‘yung lagi mong ginagawa at ‘yung pagkikita n’yo every week.

Matagal din bago ka maka-move on sa isang bagay na kinasanayan mo.

Lifeline mo ang trabaho mo, pag nawala parang pinutol na rin at nawala ang kalahati ng buhay mo. Pero hindi naman doon hihinto ang buhay, maghahanap ka ng bagong trabaho, mayroon kang puwedeng gawing bagong show, ganoon lang iyon.

Ganoon ang buhay, continuous process habang nandito ka pa sa mundo.

Iiyak ka, pero babangon ka uli. Hindi kamatayan o katapusan ng buhay ang mawalan ng trabaho. Bangon, hanap uli, baka mas maganda pa ang matagpuan mo.

vuukle comment

ZIA DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with