^

Pang Movies

Gretchen dinadawit sa ‘panloloko’ raw nina Sam at Catriona kay Clint

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Gretchen dinadawit sa �panloloko� raw nina Sam at Catriona kay Clint
Clint

Pumalag si Gretchen Ho sa pagkakadawit sa isyu nina Clint Bondad-Catriona Gray at Sam Milby.

Naalala ng netizens ang post ni Gretchen ng emojis ng smiling face na may heart-shaped eyes, emoji na labas ang dila at emoji na kumikindat at smirking emoji. Hindi man nag-comment, ang dating ng post ni Gretchen, alam na nito na may relasyon na sina Catriona at Sam kahit may relasyon pa sina Catriona at Clint.

Ang tinutumbok ng netizens, sinuportahan ni Gretchen ang panloloko nina Catriona at Sam kay Clint. Nakarating ito kay Gretchen, kaya nag-react sa kanyang Twitter account.

“Excuse me, I don’t go to Victory Fort Church. I don’t know of any “cheating” that happened. Why will I even tolerate it? Stop spreading unfounded rumors,” paglilinaw ni Gretchen.

Hindi na nga lang mababasa ang tweet ni Gretchen dahil deleted na at ang netizen na nag-akusa sa kanyang she tolerated the cheating ay nag-private account na.

Ang daming aawayin ng maka-Clint-Catriona at aakusahang alam na nila ang relasyon nina Catriona at Sam dahil sa mga reaction ng showbiz friends nila na finally, umamin na silang dalawa at comments na matagal na nilang hinihintay ang pag-amin nina Sam at Catriona.

May nag-repost din ng pinost na photo ni John Prats na magka-holding hand sina Catriona at Sam. Kaya ayun, kung may natutuwa na sina Sam at Catriona na, may mga hindi pa rin pabor sa relasyon ng dalawa lalo na kung may Clint na nag-iingay ngayon.

Clint nampuyat sa pasabog

Patuloy ang pagpo-post ni Clint  ng cryptic messages sa kanyang IG Story  na ide-decipher na naman ng netizens at bibigyan ng meaning. In fairness, ang husay ng netizens mag-decipher ng mga pino-post ni Clint at nasa sa ‘yo na kung maniniwala ka o hindi.

Ang daming pinuyat si Clint noong Huwebes ng madaling araw sa paghihintay ng kanyang pasabog na ipo-post daw niya ng 1:00 a.m., pero wala siyang pinost na pasabog, nagalit tuloy sa kanya ang mga chismosang nag-abang.

Speaking of Clint, sa isa niyang post sa Instagram, natanong ito kung ano ang nangyari sa contract niya sa GMA Network? “I burned it” ang sagot at ipinaalala sa kanya na kahit sinunog niya ang kanyang kontrata, may kontrata pa rin siya hangga’t  hindi nag-i-expire ang kontrata niya.

Naalala naming may nakakuwentuhan ka­ming taga-GMA at napag-usapan namin si Clint. Nagtanong kasi kami kung bakit walang show si Clint, ang sagot sa amin, binibigyan ng management ng show si Clint, kaya lang, lagi itong wala sa bansa, laging nasa abroad.

Sharon nag-worry kay Kuya Kim

Pagkatapos ni Ai-Ai delas Alas na na-fake news na namatay dahil pinagbabaril, si Kim Atienza ang sumunod na biktima ng fake news. Kumalat kahapon ang balitang nasa kritikal siyang kondisyon matapos barilin ng mga hindi nakikilalang tao na nanloob sa kanyang bahay. Nakunan daw ng CCTV ang buong pangyayari at ang nakakaloka pa, may litrato ni Kuya Kim na nasa hospital.

Mabilis ang paglilinaw si Kim sa fake news.

Isa sa nag-comment sa post ni Kim si Sharon Cuneta, “My gosh Kuya Kim, there seems to be no end to how cruel people can be now. I pray for you and your family. May you all be covered in the blood of Jesus and enveloped in the embrace of God’s mighty angels. God bless you and keep you safe always. Lots of love from me and my family.”

vuukle comment

GRETCHEN HO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with