^

Pang Movies

Marian enjoy sa pagdiskubre ng mga bagong putahe

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Marian enjoy sa pagdiskubre ng mga bagong putahe
Marian

Good vibes talaga ‘yung nakikita mo ang pagi­ging busy ni Marian Rivera sa pag-aalaga ng kanyang pamilya.

Ang sarap na kahit pa nga ang pag-discover ng bagong putahe o pastry ay nagagawa niya para may mailagay na bagong putahe sa mesa tuwing kakain sila.

Nakakatakot nga na baka sa sobrang enjoy ni Marian sa loob ng bahay, tamarin na siya sa pagharap sa kamera, hah hah.

Pero sa tagal nga ng pagiging domesticated niya, baka ito na ang hanap-hana­pin ng katawan niya. At sino naman ang hindi mag-i-enjoy sa gaganda naman ng mga baby nila ni Dingdong Dantes na sina Zia at Ziggy noh!

Lock-in sa probinsiya, tinamaan din ng COVID

Katakot na talaga dahil balita na ang isang lock-in taping na sa probinsiya ginawa ay mayroong apat na kasali sa taping ang dinapuan ni coronavirus.

So hindi rin pala safe ang health protocol na naka-lock in ang lahat after ma-test na negative sa rapid test, kasi as you go along, puwede pa ring maging positive.

Wow naman, talagang hindi mo na alam kung ano ang gagawin, kahit pala after ng test, importante rin ang mag-ingat para mapanatili na hindi ka biktima ni COVID-19.

Nakakapraning na talaga siya, at siguro nga mas mabuti pa na hindi lock-in dahil bawas gastos pa iyon sa production, kanya-kanyang ingat na lang sa taping at talagang bawasan na lang ang mga taong kasali para less ang contact.

Huwag naman sana tayong pahintuin ng takot, magtrabaho na lang, mag-ingat at magdasal.

Hindi puwedeng mag-istambay nang matagal, dahil gutom naman ang aabutin.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with